Ipinakita ng Marcos Administration ang konsiderasyon matapos nitong aprubahan ang request ni dating House Speaker Martin Romualdez na ipagpaliban muna ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) habang siya ay sumasailalim sa gamutan dahil sa iniindang karamdaman.
Ayon sa opisyal na pahayag ng Malacañang, pinayagan ng administrasyon ang hiling ni Romualdez bilang paggalang sa kanyang kalagayang medikal, at bilang patunay na ang proseso ng hustisya ay dapat isagawa nang may empatiya at patas na konsiderasyon.
Kinumpirma rin ng ICI na kanilang natanggap at tinanggap ang kahilingan ni Romualdez.
Ayon sa ICI Executive Director Brian Hosaka, maglalabas sila ng bagong advisory para sa panibagong petsa ng hearing sa oras na makarekober nang buo ang dating House Speaker.
“Ang kalusugan ng sinumang opisyal na iniimbestigahan ay mahalaga. Ang aming layunin ay isagawa ang imbestigasyon nang patas, at hindi kailanman sa kapinsalaan ng kalusugan o dignidad ng sinuman” -ICI Executive Director
Mula naman sa panig ng Marcos Administration, iginiit ng isang opisyal na walang ipinagkakait na due process kay Romualdez at patuloy nilang igalang ang karapatan ng bawat mamamayan sa patas na pagdinig.
Iba’t ibang reaksyon ang lumabas sa publiko matapos ang anunsyo. Samantalang may ilan namang nanawagan dapat managot si Martin Romualdez, dapat may transparency upang masigurong hindi matatakpan ang imbestigasyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento