Isang makasaysayang tagumpay na naman ang ibinigay ng Pilipinas sa mundo ng pageantry matapos tanghaling Miss Grand International 2025 si Emma Mary Tiglao.
Sa coronation night na ginanap sa Bangkok, Thailand, ipinasa ni CJ Opiaza, kapwa Pilipina at Miss Grand International 2024, ang korona kay Emma, isang momentong nagmarka ng kauna-unahang back-to-back win sa kasaysayan ng Miss Grand International.
In Q&A portion, Emma answered, “As someone who reports these kinds of stories, I really want to use the power of balance us people, to be educated and aware for us to not be scammed, and the help of the government, to enhance their justice system for the scammers to be behind bars, to be accountable,” she spoke.
“Because one day, I hope that we will live in a peaceful world where no one should deceive just to survive,” she added.
Sa opisyal na post ng Miss Grand International organization, ipinaabot nila ang pagbati kay Emma:
“The Philippines makes history again! Congratulations to Emma Mary Tiglao, the new Miss Grand International 2025, succeeding CJ Opiaza in the first ever Back-to-Back victory in MGI history!”
Ang nasabing tagumpay ay agad nag-trending sa social media, lalo na’t bihira ang pagkakataon na dalawang sunod na taon na Pinay ang nakoronahan sa parehong prestihiyosong kompetisyon. Bago sumabak sa international stage, si Emma ay dating Binibining Pilipinas Intercontinental 2019 at isa sa mga kilalang TV host at model sa bansa.
Sa kabila ng ilang taon na pahinga sa pageantry, pinatunayan ni Emma na hindi hadlang ang panahon o edad sa pagkamit ng tagumpay basta’t may dedikasyon at puso para sa laban.
Ang pagkapanalo ni Emma ay patunay sa walang kupas na ganda, talino, at tapang ng mga Pilipina. Maraming netizens ang nagkomento na “once again, the Philippines raised the bar,” habang ang iba naman ay nagpasalamat sa Miss Grand International sa pagkilala sa talento ng Pinay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento