Humiling si dating House Speaker Martin Romualdez na ipagpaliban ang nakatakdang pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na sana ay gaganapin sa Oktubre 22, dahil sa medical procedure na kailangan niyang pagdaanan.
"Alam kong mahalaga ang imbestigasyong ito, at buong puso kong iginagalang ang mandato ng komisyon na tukuyin ang katotohanan. Gayunpaman, bilang isang lingkod-bayan, kailangan ko ring unahin ang aking kalusugan upang makapagpatuloy ako sa maayos na pakikipagtulungan.
Sa oras na makarekober ako, buong determinasyon kong haharap muli sa ICI upang linawin ang lahat ng mga isyung ibinabato sa akin." -Martin Romualdez
Kinumpirma ng ICI ang naturang request at sinabing maglalabas sila ng bagong advisory para sa bagong petsa ng hearing.
Sa unang hearing, itinanggi ni Romualdez ang mga akusasyong tumatanggap siya ng kickback mula sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH), partikular na sa mga flood control projects na umabot sa bilyong halaga.
“Walang katotohanan ang mga paratang laban sa akin. Wala akong tinanggap na kahit anong pera mula sa anumang proyekto ng gobyerno,”
Ang paghingi ni Martin Romualdez ng postponement ay pansamantalang hakbang lamang para sa kanyang kalusugan, ngunit hindi malinaw kung handa siyang humarap muli sa imbestigasyon o isa itong delaying tactic.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento