Hindi lang sa mundo ng showbiz patok si Wilma Doesnt, kundi maging sa larangan ng pagnenegosyo at inspirasyon sa buhay.
Sa isang panayam, nagbigay siya ng matinding payo para sa mga gustong sumubok magnegosyo o para sa mga business owners na kasalukuyang dumaraan sa hamon ng pagnenegosyo.
Ayon kay Wilma, ang unang hakbang sa tagumpay ay paniniwala sa sarili at sa sariling produkto.
“Kung magne-negosyo kayo, dapat hindi niyo ikinakahiya. Have faith and you have to believe in your product. Huwag mong sukuan,” -Wilma Doesnt
“Hindi kailangan ng malaking pera agad. Kailangan lang ng malaking tiwala sa sarili”
Ibinahagi ni Wilma na marami siyang pinagdaanan bago makamit ang tagumpay sa negosyo. Mula sa pagiging aktres, naglunsad siya ng sariling negosyo sa food at events industry, kung saan hindi rin naging madali ang simula.
Maraming beses daw siyang naka-experience ng panghuhusga at pangmamaliit, ngunit hindi ito naging hadlang para ituloy niya ang kanyang pangarap. Para sa kanya, ang confidence at dedikasyon ay mas mahalaga kaysa sa laki ng kapital.
Ang payo ni Wilma ay nagbigay inspirasyon sa maraming netizens at aspiring entrepreneurs. Marami ang pumuri sa kanyang positibong pananaw sa buhay at matatag na loob sa pagharap sa mga hamon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento