Ipinakita sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey na 46% ng mga Pilipinong nasa hustong gulang ang nagsabing kontento sila sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ipinapakita nito ang malinaw na pagtaas ng tiwala ng publiko kumpara sa resulta noong Abril.
“Ang resulta ng survey ay hindi lamang numero, kundi paalala na patuloy kaming dapat magtrabaho para sa ikabubuti ng bawat Pilipino. Salamat sa tiwalang ibinibigay ninyo — ito ang nagsisilbing lakas ng aming pamahalaan upang lalo pang pagbutihin ang aming serbisyo. Marami pa tayong kailangang gawin, at sisikapin naming tuparin ang lahat ng ating pangako.” -PBBM
Ayon sa nationwide survey na isinagawa mula Hunyo 25 hanggang 29, 46% ng mga respondents ang nagsabing "satisfied" sila sa liderato ng Pangulo, habang 36% ang "dissatisfied" at 19% naman ang hindi tiyak sa kanilang sagot.
Ayon sa Malacañang, ang resulta ng survey ay patunay na unti-unti nang nararamdaman ng mamamayan ang mga repormang ipinatutupad ng administrasyon sa ekonomiya, imprastraktura, at serbisyo publiko.
Dagdag pa nila, gagamitin ng pamahalaan ang resulta bilang inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ang serbisyo sa taumbayan.
Ang pagtaas ng satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay patunay na unti-unting nakikita ng taumbayan ang epekto ng mga hakbangin ng kanyang administrasyon. Bagama’t may hamon pa ring kinakaharap ang bansa tulad ng korapsyon, inflation, at mga isyung panlipunan nananatili ang kumpiyansa ng publiko na kaya itong harapin ng kasalukuyang pamahalaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento