Advertisement

Responsive Advertisement

"SAMA-SAMA TAYONG MANINDIGAN PARA SA PANANAGUTAN" KIM ATIENZA NAGPAKITA RIN NG SUPPORTA SA PANAWAGANG LINISIN ANG SISTEMANG KURAP NG MARCOS ADMINISTRATION

Martes, Oktubre 21, 2025

 



Nagpahayag si Kim “Kuya Kim” Atienza ng suporta sa panawagang tapusin ang korapsyon at panagutin ang dapat managot, kasabay ng paglahok niya kasama ang ilang artista sa isang anti corruption run sa Makati. Bitbit ng grupo ang mga mensaheng gaya ng “End Corruption Now” at “For a Corrupt-Free Philippines,” na naging hudyat para sa mas malawak na diskusyon kung paano magiging mas malinaw at mas mabilis ang pananagutan sa gobyerno.


"End corruption now for a corrupt-free Philippines. Sama-sama tayong manindigan para sa pananagutan at tunay na pagbabago.” -Kim Atienza


Ang presensiya ng mga kilalang personalidad tulad ni Kuya Kim ay nagsisilbing amplifier ng boses ng publiko, hikayat na maging mapanuri, suportahan ang malinaw na proseso at iwasan ang haka-haka. Layunin ng panawagan na ipatupad ang accountability habang iginagalang ang due process, upang ang resulta ay reforma at tiwala, hindi lang ingay sa social media.


Ang mensahe ni Kim Atienza ay tuwid: panagutin ang dapat managot at linisin ang sistema sa paraang malinaw, legal, at nasusukat. Habang nagpapatuloy ang mga imbestigasyont sa isyu ng flood-control projects, mahalagang manatiling maalam ang publiko nakatuon sa ebidensya at reporma, para ang sigaw na “End Corruption Now” ay mauwi sa konkretong pagbabago

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento