Naglabas ng pahayag ang ICI na hindi nila pinapaboran si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng pagpayag na ipagpaliban muna ang kanyang pagdinig. Ayon sa ICI, ang pasyang ito ay nakabatay sa karapatan sa due process at sa medical grounds na iniharap, isang patakarang pareho ang aplikasyon sa sinumang may lehitimong dahilan, opisyal man ng gobyerno o karaniwang mamamayan.
“Meron siyang karapatan, may sakit yung tao kailangan niyang magpagamot. Ito ay karapatan ng bawat Pilipino, mayaman man o mahirap, opisyal man o ordinaryong mamamayan. Ang hustisya ay dapat pare-pareho ang timbangan, hindi nakasalalay sa posisyon o koneksyon.”
Ayon sa ICI, may karapatan ang akusado o iniimbestigahan na marinig nang maayos, maihanda ang depensa, at dumaan sa prosesong malinaw ang mga alituntunin. Kung may karamdaman na maglilimita sa maayos na pagharap sa pagdinig, pinahihintulutan ang postponement kapalit nito ang pagsusumite ng medical documents at pag-re-schedule sa
Nilinaw ng ICI na ang pagpapaliban ng pagdinig ni Martin Romualdez ay lehitimong hakbang sa ilalim ng due process, hindi special treatment. Mananatiling nakasentro ang proseso sa pantay na timbangan: kapag medically cleared na, tutuloy ang pagdinig at haharapin ang mga isyu sa tamáng forum at oras, ayon sa parehong tuntunin para sa lahat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento