Madalas inuuna ng mga breadwinner ang lahat ng bayarin, gamot, matrikula, padala hanggang sa sila mismo ang nauubos. Dito tumama ang paalala ni Kakai Bautista: mahalin ang pamilya pero kailangan munang alagaan ang sarili.
Kapag tuloy-tuloy ang pagbigay nang walang pahinga, humihina ang katawan at isip. Imporatanti rin unahin ang sarili paminsan-minsan, deserve natin unahin ang sarili sa mga bagay nagpapaligaya natin.
“Sa lahat ng mga breadwinners, kailangang alagaan ‘yung mga sarili ninyo. Okay lang magbigay kayo nang magbigay, mahalin niyo ang mga pamilya niyo, suportahan niyo. Pero kayo muna, kayo muna… Maniwala kayo sa akin, aapaw yan.” -Kakai Bautista
Ang mensahe ni Kakai Bautista ay hindi pagiging makasarili ang unahin ang sarili, ito ang pundasyong magpapatibay sa suporta mo sa pamilya. Kapag inuna mo ang pahinga, kalusugan, at ipon, mas tatagal at mas magiging maayos ang iyong pagbibigay sa ibang tao.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento