Sa isang emosyonal na panayam sa Toni Talks noong nakaraang taon, ibinuhos ni Emman Atienza, anak ng TV personality na si Kim Atienza, ang kanyang matinding pinagdaanan sa gitna ng depression. Sa unang pagkakataon, isiniwalat niya ang mga dahilan ng kanyang kalungkutan, pagkabalisa, at pakiramdam ng kawalan ng halaga mga damdaming matagal niyang itinago sa likod ng mga ngiti.
Ayon kay Emman, isa sa mga pangunahing dahilan ng kanyang depresyon ay ang matinding pambabatikos sa social media. Ibinahagi niya kung paano siya naging biktima ng mga online bashers na walang tigil sa pagbato ng masasakit na salita laban sa kanya.
“Ramdam ko talaga ang galit ng buong internet sa akin. Tinatawag nila akong insensitive, rich kid, ignorante, walang silbi, disappointment, pangit lahat na yata ng masakit na salita, narinig ko,” emosyonal na pag-amin ni Emman.
Sa gitna ng matinding online hate, umabot umano sa punto na nakakatanggap na siya ng mga mensaheng nagtutulak sa kanya na tapusin ang sariling buhay. Dahil dito, nagsimula siyang magtanong sa sarili kung karapat-dapat pa ba siyang mabuhay o maging masaya.
“Tinanong ko talaga sarili ko, mabuti ba akong tao? Baka siguro deserve ko lang hindi maging happy. Paulit-ulit ko ‘yun iniisip. Hindi ko gusto maging biktima. Gusto ko lang marinig na okay lang na hindi ka okay minsan. Maraming beses kong tinanong kung may silbi pa ako" dagdag niya.
Ang pag-amin ni Emman ay nagpaantig sa maraming manonood, na nagpahayag ng kanilang suporta at pag-unawa sa kanya. Marami ang nagsabing ang kanyang katapatan ay makakatulong sa pagpapalakas ng kamalayan sa mental health, lalo na sa mga kabataang nakararanas ng parehong sitwasyon."
Ang panayam ni Emman Atienza ay isang makapangyarihang paalala sa lahat na sa likod ng mga social media posts ay may mga taong tunay na nasasaktan. Ang kanyang katapatan ay nagbigay boses sa mga kabataang lumalaban sa tahimik na digmaan ng depresyon at self-doubt. RIP Emman Atienza

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento