Advertisement

Responsive Advertisement

"BAKA NAKALIMUTAN NIYO, KAMI ANG NAGPASWELDO NINYO" VICE GANDA MULING NA DISMAYA SA KAKULANGAN NG SUPORTA NG GOBYERNO SA MGA PAARALAN SA PROBINSYA

Biyernes, Oktubre 24, 2025

 



Labis ang pagkadismaya at pagkabigla ni Vice Ganda matapos niyang malaman ang kalunos-lunos na kondisyon ng isang pampublikong paaralan sa probinsya ni Heart Evangelista. Ayon sa kanya, tila pinababayaan na lamang ng gobyerno ang ganitong mga institusyon na dapat ay nagbibigay pag-asa sa mga kabataang Pilipino.


Sa isang panayam, ibinahagi ng komedyante at TV host na napaiyak siya sa nakita, dahil sa kawalan ng mga pangunahing kagamitan sa paaralan mula sa reading materials hanggang sa maayos na pasilidad.


"Nung nakita ko yung eskwelahan, parang gusto kong umiyak. Walang libro, sira-sira ang mga silid, at parang walang nag-aalaga. Ito ba ang sinasabi nating maayos na gobyerno? Baka nakalimutan niyo, kami ang nagpasweldo ninyo” ani Vice Ganda.


Hindi rin napigilan ni Vice na batikusin ang kakulangan ng aksyon mula sa pamahalaan, lalo na’t patuloy naman umanong nagbabayad ng buwis ang mga mamamayan ng tapat.


Para kay Vice Ganda, hindi sapat ang mga pangako at press releases mula sa gobyerno ang kailangan ay tunay na aksyon at malasakit. Aniya, kung hindi pa kikilos ang mga nasa posisyon, baka dumating ang panahon na ang edukasyon ay maging pribilehiyo na lamang ng mayayaman.


Ang pahayag ni Vice Ganda ay nagmulat sa marami hinggil sa totoong kalagayan ng edukasyon sa mga malalayong lugar sa bansa. Sa gitna ng mga modernong proyekto at pangakong pagbabago, nananatiling may mga batang nag-aaral sa sirang silid at kulang sa kagamitan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento