Advertisement

Responsive Advertisement

“IT IS NEVER OKAY TO DEGRADE OR HARASS SOMEONE IN THE NAME OF SHARING YOUR OPINION” CATRIONA GRAY NANAWAGAN NG KABAITAN SA SOCIAL MEDIA MATAPOS ANG PAGPANAW NI EMMAN ATIENZA

Sabado, Oktubre 25, 2025

 



Matapos ang pagpanaw ng Gen Z influencer na si Emman Atienza, muling nabuhay ang diskusyon tungkol sa cyberbullying at kung gaano kalalim ang epekto nito sa kalusugan ng isip ng kabataan. Si Emman, na kilala bilang boses ng self-awareness at mental health advocacy, ay nagsilbing paalala sa lahat na ang mga salita online ay may kakayahang magpagaling o manakit.


“So many use social media as a consequence-free way to attack, put down, and degrade others. It started during my Binibini journey and escalated during my Miss Universe journey. I receive hate comments even today.” -Catriona Gray


“Nawa’y magsilbing aral sa atin ang kwento ni Emman. Hindi natin alam kung anong pinagdadaanan ng bawat isa, kaya sana piliin nating maging mabuti. Kung kaya mong maging dahilan ng ngiti ng isang tao, huwag kang maging dahilan ng kanyang sakit. The internet can be a powerful tool for love and compassion let’s use it that way.” dagdag nito.


Ayon sa mga netizens, ang pagkawala ni Emman ay hindi lamang isang personal na trahedya kundi isang panawagan sa lipunan upang mas maging responsable sa paggamit ng social media. Sa panahon kung saan madali nang maglabas ng opinyon sa isang pindot, madalas nakakalimutan ng ilan na bawat komento ay may bigat  may impluwensya, at may epekto sa damdamin ng iba.


Sa gitna ng pagluluksa, Miss Universe 2018 Catriona Gray ay muling nagsalita tungkol sa kahalagahan ng kabaitan at responsibilidad sa paggamit ng social media. Matatandaang noong 2020, sinuportahan ni Catriona ang anti-cyberbullying campaign ng Miss Universe Organization bilang bahagi ng kanyang personal na adbokasiya.


Dagdag pa ni Catriona, dapat ay gamitin ng mga tao ang social media hindi bilang sandata ng panghuhusga, kundi platform ng pag-asa at positibong pagbabago.


“It is never okay to degrade or harass someone in the name of sharing your opinion. Words have power to both put down and pull up. I hope we choose the latter,” ani niya.


Ang pagpanaw ni Emman Atienza ay nagbukas ng mata ng marami tungkol sa mga tahimik na laban na pinagdadaanan ng mga kabataan sa likod ng social media. Ang kanyang kwento ay hindi lamang tungkol sa pagkawala, kundi sa aral na iniwan niya ang kahalagahan ng kabaitan at malasakit sa isa’t isa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento