Advertisement

Responsive Advertisement

"KUNG MAY MAIPAPAYO AKO, SANA PILIIN NATING MAGING MABUTI" KATHRYN BERNARDO NANAWAGAN DIN LABAN SA CYBERBULLYING MATAPOS ANG PAGPANAW NI EMMAN

Sabado, Oktubre 25, 2025

 



Matapos ang pagpanaw ng Gen Z influencer na si Emman Atienza, muling nabuksan ang diskusyon tungkol sa cyberbullying at mental health awareness sa bansa. Si Emman, na kilala bilang advocate ng self-awareness at mental health, ay nagsilbing paalala kung gaano kalalim at mapanganib ang epekto ng pang-aapi sa online world.


Kasabay ng panawagang ito, Kapamilya actress Kathryn Bernardo ay muling nagbigay ng kanyang boses laban sa cyberbullying, sa pamamagitan ng “Fight Cyberbullying” campaign ng Philippine Red Cross.


Ayon kay Kathryn, naranasan din niya ang matinding online bashing noong kasagsagan ng kanyang karera, bagay na nagtulak sa kanya sa punto ng depresyon.


“Dumating ako sa point na nagkulong ako sa kuwarto, hindi ako kumakausap ng kahit sino. Sobrang na-depress ako… sobra-sobra ang na-receive naming pambabash noon. Kapag naisip mo, hindi enough na you keep quiet. Kasi kapag tahimik ka, akala ng iba, tama sila. Kaya kailangan nating magsalita, kailangan nating manindigan.” pag-amin ni Kathryn.


Ngunit sa halip na manahimik, pinili ni Kathryn na tumindig at magsalita para ipagtanggol ang sarili at ang mga taong patuloy na biktima ng online harassment.


Binigyang-diin ni Kathryn na ang cyberbullying ay hindi lamang nakakasira ng araw ng isang tao, kundi maaari ring magdulot ng depresyon, anxiety, at pagkawala ng tiwala sa sarili, lalo na sa mga kabataan. Ayon sa kanyang binanggit na datos:


“Thirteen to seventeen years old, eighty percent dito sa Philippines, naka-experience ng cyberbullying. Ganun kalaki ‘yung problema.”


Ang panawagan nina Emman Atienza at Kathryn Bernardo ay nagsisilbing malakas na mensahe para sa kabataan na ang kabaitan ay may halaga, at ang salita ay may kapangyarihang magligtas o makasira.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento