Advertisement

Responsive Advertisement

"NO NEED TO STRUGGLE, JUST PRESENT YOUR INNOCENCE" BRO. EDDIE VILLANUEVA, IPINAGTANGGOL ANG ANAK NA SI SEN. JOEL SA GITNA NG MGA ALEGASYON

Lunes, Oktubre 20, 2025

 



Sa ika-47 anibersaryo ng Jesus Is Lord (JIL) Church sa Luneta Grandstand nitong Sabado ng gabi, humarap si JIL founder at CIBAC Rep. Eduardo “Bro. Eddie” Villanueva at buong tinig na ipinagtanggol ang anak niyang si Sen. Joel Villanueva laban sa paratang na tumanggap umano ito ng kickbacks mula sa mga kuwestiyunableng flood-control projects sa Bulacan.


Ayon sa ulat, libu-libong JIL members ang dumalo at binigyang-diin ni Sen. Joel sa entablado: “I can look you in the eye and say I’m not involved in any wrongdoing.”


Pinangalanan si Sen. Joel sa mga pagdinig kaugnay ng umano’y iregularidad sa flood-control projects, una ng dating DPWH engineer na si Brice Ericson Hernandez; si Henry Alcantara ay tumestigo rin sa mga hiwalay na proceeding. Mariing itinanggi ito ng senador at tinawag na demolition job; sinabi rin niyang bukas siya sa imbestigasyon


Sa gitna ng anibersaryo, nagpasalamat si Bro. Eddie sa mga tumitindig para sa kanyang anak at binalikan sa mensahe ang payo niya kapag “falsely accused”: hindi kailangang makipagpaliwanagan sa mga “kaaway” dahil hindi rin sila maniniwala ang layunin lang ay sirain ka.


“If you are falsely accused, no need to struggle in explaining your side to your enemies… just present your innocence.” -Bro. Eddie Villanueva


Sa gitna ng maiinit na paratang, pinili ng mag-amang Villanueva ang tatag at malinaw na paninindigan: ipakita ang ebidensiya, harapin ang proseso, at huwag malunod sa ingay. Habang tumatakbo ang mga imbestigasyon sa flood-control scandal, malinaw ang dalawang punto para sa mambabasa: may umiiral na seryosong alegasyon na dapat busisiin at may karapatan ang sinumang inaakusahan na marinig at maprotektahan ang kanilang presumption of innocence.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento