Binasag ni dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy ang katahimikan matapos ang ulat na ibinasura ng Quezon City court ang sedition case na isinampa laban sa kanya at 13 iba pa. Iginiit niyang “hindi pa tapos” ang bangayan nila ni dating PNP-CIDG chief Nicolas Torre III. Binanggit din niya na wala siyang nararamdamang saya sa desisyon at nagpasalamat lamang siya sa kanyang mga abogado.
Sa parehong post, matapang ang linya ni Badoy: “I want Nic Torre to know this is not over… I will make him pay through his ugly teeth, and it is I, not him, not any court, that will say when it is over.” Ito ang naging sentrong sipi na kumalat sa social media kasunod ng balitang pagkakabasura ng kaso sa QC court.
Naglabas ang Department of Justice ng resolusyon noong Oktubre 13, 2025 na nag-di-dismiss ng sedition raps laban kina Badoy, Torreon, at Celis dahil sa kakulangan ng ebidensiya. Iba ito sa korte proseso ito sa antas ng piskalya na nagbaba na ng desisyon ukol sa mga reklamong inihain.
Hindi rito nagtatapos ang alitan nila ni Torre. Asahan ang susunod na kabanata sa legal na bangayan, habang nananatiling kritikal ang pag-unawa sa pinag-ugatan: ang sedition complaints na inihain noong 2024 kaugnay ng operasyon para arestuhin si Quiboloy.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento