Advertisement

Responsive Advertisement

“MAS KAILANGAN KO ANG KAIBIGAN KAYSA KAAWAY” PANGULONG MARCOS JR. PINILI ANG KAPAYAPAAN, BUKAS SA REKONSILYASYON SA MGA DUTERTE,

Huwebes, Oktubre 30, 2025

 



Sa gitna ng mga isyung politikal at alitan sa pagitan ng mga kampo ng Marcos at Duterte, ipinakita ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang kapanatagan at kagustuhang makipag-ayos sa dating mga kaalyado mula sa Uniteam.


Sa isang panayam sa podcast ni Anthony Taberna, malinaw na sinabi ng Pangulo na bukas siya sa muling pagkakasundo sa mga Duterte. Ayon sa kanya, mas mahalaga ang pagkakaisa at kapayapaan upang magampanan nang maayos ang tungkulin ng pamahalaan sa taongbayan.


“Oo. Ayoko ng gulo. Gusto kong makasundo sa lahat ng tao. Marami na akong kaaway. Hindi ko kailangan ng kaaway, kailangan ko kaibigan,” ani Pangulong Marcos sa panayam.


Dagdag pa niya, sa panahon ngayon, ang pangunahing layunin niya ay mapanatili ang stability at peace upang tuloy-tuloy na maisakatuparan ang mga programa ng kanyang administrasyon.


“Hangga’t maaari, ang habol ko ay stability, peaceful para magawa namin ‘yung trabaho namin. Kaya ako, lagi akong bukas sa ganyan. I’m always open to any approach na, ‘halika, magtulungan tayo,’” dagdag ng Pangulo.


Ang kanyang pahayag ay nagbigay ng positibong mensahe sa publiko, na kahit sa gitna ng hidwaan sa politika, handa pa rin siyang magpakumbaba at magbukas ng pinto para sa pagkakasundo hindi para sa pansariling interes, kundi para sa kapakanan ng bansa.


Maging ang ilang netizen ay nagpahayag ng suporta sa kanyang mensahe, sinabing ang ganitong uri ng pananaw ay kailangan ng bansa, isang lider na marunong makinig, magpatawad, at makipagtulungan.


Ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay isang paalala sa mga Pilipino na ang tunay na lider ay hindi nakikibaka para sa kapangyarihan, kundi para sa pagkakaisa. Sa halip na palalimin ang hidwaan, pinili ng Pangulo ang kapayapaan at pagkakaunawaan, na siyang daan tungo sa mas maayos na pamumuno.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento