Advertisement

Responsive Advertisement

"BAKIT GANYAN EMPLOYEE NIYO PINAGMUMUKHA AKONG BOBO" BABAENG HUMINGI LANG NG TIN ID, PINAGSALITAAN AT BINASTO NG BIR EMPLOYEE

Biyernes, Oktubre 31, 2025

 



Nag-viral sa social media ang video ng isang babaeng humahagulgol sa labas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Novaliches, matapos umano siyang masigawan at masabihan ng hindi kanais-nais na salita ng isang government employee.


Ang babae ay nakilalang si Nica Cadalin, isang ordinaryong mamamayan na nagpunta sa BIR upang kumuha ng Tax Identification Number (TIN) ID. Sa kanyang TikTok post, inilahad ni Nica ang buong pangyayari na naging dahilan ng kanyang pag-iyak at pagkadismaya.


Ayon kay Nica, pumunta siya sa BIR matapos magka-error ang kanyang online registration. Ngunit sa halip na matulungan, nakaranas umano siya ng bastos na trato mula sa isang lalaking empleyado.


“Sinabihan niya ako, ‘Kung hindi ito gumana, patay ka,’” pahayag ni Nica sa kanyang viral video.


Dagdag niya, nang tanungin niya ang ibig sabihin ng sinabi ng empleyado, pabalang pa raw itong sumagot at tila minamaliit ang kanyang kakayahan na intindihin ang proseso.


“Nakakainsulto lang all throughout our conversation, nag-e-English talaga siya na para bang gusto niyang ipamukha sa akin na dapat kong maintindihan lahat,” ani Nica.

“Sobrang impatient niya, yung sarcasm, yung parang magmumukha ka talagang bobo.”


Ang video ni Nica ay umani ng mahigit 10 milyon na views at higit 1.1 milyong reactions sa loob lamang ng ilang araw. Maraming netizen ang nagpahayag ng galit at pagkadismaya sa umano’y kawalan ng respeto ng naturang empleyado, samantalang may ilan ding nananawagan na alamin muna ang buong kwento mula sa panig ng BIR.


Sa kanyang follow-up post, nilinaw ni Nica na hindi niya layuning manira ng kahit sino, kundi magbigay ng awareness sa mga kawani ng gobyerno na may tungkuling magpakita ng respeto at malasakit sa mga mamamayang humihingi ng serbisyo.


Ang karanasan ni Nica Cadalin ay paalala sa lahat lalo na sa mga nasa serbisyo publiko na ang bawat mamamayan ay may karapatang tratuhin nang may dignidad at respeto. Ang isang mabuting lingkod-bayan ay hindi lang sumusunod sa proseso, kundi marunong ding umintindi, makinig, at magpakatao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento