Inamin ng Kapuso journalist na si Emil Sumangil na nakakatanggap siya ng death threats halos araw-araw, matapos ang serye ng matitinding ulat at kritikal na panayam na kinabilangan ng mga isyu ng korapsyon ng Marcos administration.
"Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko as a reporter ngunit nakakatanggap ako ng death threat halos araw-araw, manghihina ka talaga at halos dinhi na makakakain." -Emil Sumangil
Hindi ito unang beses na humarap si Sumangil sa ganitong panganib. Noong 2023 pa, binanggit na niya na bahagi na ng kanyang gawain ang makareceive ng pagbabanta, lalo na kapag malalaking imbestigasyon ang sakop ng kanyang coverage. Sa kabila nito, nagpapatuloy siya sa pag-uulat at paglalantad ng mga isyung may konektado sa pamamahala ng gobyerno.
Kamakailan, nagbahagi rin si Sumangil ng panalangin at panawagan para sa proteksyon habang tinutupan ang kanyang tungkulin palatandaan na kahit gaano katatag ang isang mamamahayag, tao pa rin na nangangailangan ng suporta at seguridad.
Ang pagkukuwento ni Emil Sumangil tungkol sa halos araw-araw na death threats ay malinaw na paalala kung gaano kasalimuot at kapanganib ang mundo ng imbestigatibong pamamahayag. Gayunman, nananatili ang paninindigan: ituloy ang paglalantad ng datos at katotohanan para sa interes ng publiko
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento