Advertisement

Responsive Advertisement

“TO ALL FILIPINO PEOPLE, I WILL NEVER BETRAY YOUR TRUST" MARTIN ROMUALDEZ MULIING IGINIIT NA SIYA AY INOSENTE AT HANDANG PATUNAYAN SA ICI HEARING

Miyerkules, Oktubre 22, 2025

 



Muling nagsalita si dating House Speaker Martin Romualdez matapos siyang maipit sa mga alegasyon ng korapsyon kaugnay ng mga flood control at infrastructure projects ng pamahalaan. Sa isang matapang na pahayag, iginiit ni Romualdez na wala siyang kinalaman sa anumang pagnanakaw o anomalya, at ang tanging hangarin niya ay ang maglingkod nang tapat sa sambayanang Pilipino.


“Hindi ko kailangang magnakaw ng pera ng taumbayan. Mahal ko ang sambayanang Pilipino,” mariing pahayag ng dating Speaker.


“To the Filipino people, inosente po ako, I will never betray your trust,” ani Romualdez.


“Naniniwala ako na sa huli, ang katotohanan pa rin ang mananaig.”


Ayon kay Romualdez, pinili niyang manahimik sa mga unang araw ng isyu bilang paggalang sa proseso ng imbestigasyon. Ngunit nang masangkot ang kanyang pangalan sa mga paratang, nagpasya siyang lumaban hindi sa pamamagitan ng salita, kundi ng ebidensya.


“I remained silent out of respect for the process, but now that my name has been maliciously dragged into this controversy, I will fight back not with rhetoric, but with evidence,” aniya.


Sinabi ni Romualdez na handa siyang harapin ang anumang imbestigasyon upang linisin ang kanyang pangalan. Para sa kanya, ang paglilingkod sa bayan ay isang sagradong tungkulin na kailangang gawin nang may integridad.


Sa gitna ng mga kontrobersya, nanindigan si Martin Romualdez na siya ay inosente at handang patunayan ito sa anumang legal na paraan. Ang kanyang panawagan ay malinaw, pairalin ang due process at huwag hayaang manalo ang kasinungalingan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento