Nag-viral online ang sagutan ng kampo ni Heart Evangelista at ni Vice Ganda matapos banggitin ng komedyante sa isang episode ng kanyang Kapamilya noontime show ang kalagayan ng isang paaralan sa Sorsogon na tinukoy niyang “probinsya ni Heart Evangelista.”
Ayon kay Vice, bumisita siya sa naturang lugar at naantig ang kanyang damdamin nang makita ang kondisyon ng mga estudyante at guro sa isang paaralan na walang reading materials at luma na ang gusali. Dahil dito, nagpadala umano siya ng tulong upang mapabuti ang kalagayan ng mga bata.
“May pinuntahan akong lugar, do’n sa probinsya nila Heart Evangelista, na isang paaralan na walang reading materials. Pinagawa ko ‘yung eskwelahan at nagpadala ako ng tulong do’n. Kasi walang reading materials, bulok ‘yung paaralan doon sa lugar nila Heart Evangelista,” ayon kay Vice Ganda.
Ngunit tila hindi ito nagustuhan ng kampo ni Heart Evangelista.
Sa isang post ng kanyang personal assistant na si Resty Roselle, direkta nitong sinagot si Vice at ipinagtanggol ang pangalan ni Heart.
“Vice, sa DepEd po kayo manawagan kasi meron budget ang DepEd para sa mga school buildings and reading materials na sinasabi mo. Ano ang intention mo to mention Heart’s name? Para ano? Mema? Memasabi ka lang? Kalokaaa!!!” ani Resty Rosell, Personal Assistnant ni Heart
Ayon pa sa mga tagasuporta ni Heart, hindi patas na idamay ang pangalan ng aktres lalo na’t matagal na itong tumutulong sa mga eskwelahan at mga mag-aaral sa Sorsogon. Kilala si Heart sa kanyang mga charity projects gaya ng Big Heart PH na nagbibigay ng tulong sa mga kabataang kapos sa kagamitan sa pag-aaral.
Ang isyung ito sa pagitan nina Vice Ganda at Heart Evangelista ay nagpapakita ng kapangyarihan at panganib ng salita sa publiko. Minsan, kahit mabuting intensyon ay maaaring mauwi sa hindi pagkakaunawaan kapag may nasabing pangalan o lugar na konektado sa ibang tao.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento