Advertisement

Responsive Advertisement

"HINDI NATIN HAHAYAANG MAKAPAGSAYA ANG MGA KURAP NGAYONG PASKO" DISCAYA AT DPWH ENGINEERS NA DAWIT SA FLOOD CONTROL SCANDAL, MAGPAPASKO SA KULUNGAN — DWPH SEC. DIZON

Lunes, Oktubre 27, 2025

 




Matapos sumabog ang isyu ng flood control scandal na kinasasangkutan ng ilang opisyal at engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH), naglabas ng matapang na pahayag si DPWH Secretary Manuel Dizon na magpapasaklolo sa batas ang mga sangkot kahit pa Pasko na.


Ayon kay Dizon, tapos na ang panahon ng palusot at impluwensya sa ahensya. Siniguro niyang ang mga dawit sa anomalya ay hindi makakalusot sa pananagutan, kahit gaano pa kataas ang kanilang posisyon.


“Hindi natin hahayaang makapagsaya ang mga kurap ngayong Pasko. Kung sino man ang napatunayang nagnakaw sa kaban ng bayan, lalo na sa proyektong dapat ay proteksyon ng mamamayan laban sa baha, ay mananagot. Magpapasko sila sa kulungan,” matapang na pahayag ni Dizon.


Dagdag pa ni Dizon, kasalukuyan nang nakikipagtulungan ang DPWH sa Ombudsman at sa NBI upang tuluyang matukoy at mapanagot ang mga indibidwal na sangkot sa anomalya.


“Hindi ko kailanman hahayaang gawing negosyo ang serbisyo publiko. Ang flood control projects ay simbolo ng proteksyon sa mga Pilipino, hindi ng katiwalian. Kung may dapat makulong, kahit engineer o opisyal pa yan, doon sila sa kulungan magdiwang ng Pasko. Hustisya muna bago selebrasyon.” — DPWH Secretary Vince Dizon


Ipinahayag din ng kalihim na hindi na uubra ang “palusot” o “palakasan” system sa loob ng ahensya. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, tiniyak niyang magkakaroon ng internal cleansing upang maibalik ang tiwala ng taumbayan sa DPWH.


Ang pahayag ni Secretary Dizon ay malinaw na mensahe na hindi na uso ang impunidad at katiwalian sa gobyerno. Sa panahon kung saan nawawalan ng tiwala ang taumbayan sa mga institusyon, ang ganitong uri ng paninindigan ay nagbibigay pag-asa na may mga opisyal pa ring handang ipaglaban ang integridad at katotohanan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento