Advertisement

Responsive Advertisement

"INUULIT KO PO, WALA PONG GHOST PROJECT SA DISTRITO KO" ARJO ATAYDE, PINANINDIGAN ANG KATAPATAN SA SERBISYO TINIYAK ANG TRANSPARENCY SA LAHAT NG KANYANG PROYEKTO

Lunes, Oktubre 27, 2025

 


Mariing itinanggi ni Congressman Arjo Atayde ng Quezon City District 1 ang mga paratang ng umano’y “ghost projects” o mga proyektong hindi talaga umiiral ngunit pinaglaanan ng pondo.


Sa isang pahayag, iginiit ng congressman na walang katotohanan ang mga alegasyon, at ang lahat ng proyekto sa kanyang distrito ay maayos na naipatupad at maaaring mapatunayan sa aktwal na inspeksyon.


“Walang ‘ghost’ projects sa atin. Walang multo sa Distrito Uno. Wala pong basehan ang mga sinasabi na ‘nonexistent’ ang mga ito. Baka kailangan lang ng maayos na coordination para sigurado ang impormasyon hinggil sa mga proyektong ito. To see is to believe,” ani Congressman Arjo Atayde.


Ayon kay Atayde, ang mga proyektong kanyang pinangunahan ay may dokumentadong ebidensya, larawan, at ulat mula sa mga ahensya ng gobyerno. Dagdag pa niya, ang lahat ng ito ay bukas sa publiko para sa transparency.


“Alam kong maraming kumakalat na paratang, pero malinaw ang konsensya ko. Ang tanging multo na kinakatakutan ko ay ang kasinungalingan. Lahat ng proyekto sa Distrito Uno ay totoo, malinaw, at nararamdaman ng mga tao. Hindi ako papayag na madungisan ang pangalan ng aking distrito dahil sa maling impormasyon. Ang serbisyo ko ay para sa tao, hindi para sa politika.” — Congressman Arjo Atayde


Pinunto rin ng kongresista na maaaring nagkaroon lamang ng miscommunication o kakulangan sa koordinasyon kaya lumabas ang maling impormasyon. Iginiit niya na ang kanyang opisina ay handang makipag-ugnayan sa mga auditor, media, at concerned citizens upang ipakita ang tunay na kalagayan ng mga proyekto sa kanyang distrito.


Ang mariing pagtanggi ni Congressman Arjo Atayde sa isyu ng umano’y “ghost projects” ay nagpapakita ng paninindigan at kahandaang ipagtanggol ang kanyang integridad bilang lingkod-bayan. Sa halip na umiwas sa kontrobersya, pinili niyang harapin ito nang may katapatan at tapang, isang katangian na madalas ay kulang sa mga pulitiko ngayon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento