Advertisement

Responsive Advertisement

WORKING DOG NA MAY PUSONG BABY: ANG NAKAKATUWANG SANDALI NG K9 DOG AT NG KANYANG HANDLER

Linggo, Setyembre 14, 2025

 



Sa gitna ng abalang paligid ng Ayala Malls Cebu, isang nakakagiliw na tagpo ang nakunan ng litrato, ang Labrador Retriever na si Kong, isang miyembro ng K9 unit ay makikitang nagpapahinga at niyayakap ng kanyang handler habang isang security guard naman ang marahang humahaplos sa kanya.


Ayon sa kanyang handler:

“Hindi lang siya kasamahan sa trabaho pamilya na namin siya. Ang hirap ng trabaho pero kapag nakikita namin siyang masaya, parang gumagaan lahat. Kahit gaano ka-seryoso ang trabaho namin, hindi namin nakakalimutang ipadama kay Kong na mahal namin siya. Isa siyang bayani, pero isa rin siyang baby namin.” 


Sa kabila ng mahigpit na tungkulin bilang K9 unit na tumutulong sa pagpapanatili ng seguridad sa mall, nakahanap si Kong ng sandaling pahinga — puno ng yakap at lambing mula sa kanyang mga kasama.


Habang nagpapahinga si Kong bakas sa kanyang mukha ang pagiging panatag habang hawak ng kanyang handler ang kanyang mukha, at ang security guard nama’y nakaluhod sa tabi niya maingat na hinahaplos ang kanyang likod.


Sa panandaliang pahingang ito, makikitang hindi lang basta kasama sa trabaho si Kong kundi isang kaibigang tapat at mahalaga sa kanilang araw-araw na buhay.


Ang simpleng tagpong ito sa Ayala Malls Cebu ay paalala na ang mga tunay na bayani ay hindi lamang mga taong nakasuot ng uniporme, kundi pati mga asong tahimik na naglilingkod araw-araw para sa ating kaligtasan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento