Sa gitna ng maingay at abalang biyahe sa rutang Angono–Binangonan, isang hindi pangkaraniwang tanawin ang nagbigay ngiti sa mga pasahero, ang isang maliit at makulit na tatlong buwang gulang na Aspin na si Scobby, na nagsisilbing “mini-conductor” sa jeepney ng kanyang fur-daddy na driver.
“Para siyang anak ko na kasama ko sa trabaho. Sobrang bait niya, masayang saad ng driver. Si Scobby ang pampagaan ng araw ko. Kahit mahirap ang pamamasada, pag nakita ko siyang masaya at malambing, parang nawawala lahat ng pagod ko.” -Jeepney Driver
Ayon sa mga commuters, madalas kausapin ng driver si Scobby at pinagsasabihang mag-behave at kapag sumusunod ito, lalapit si Scobby at kikiss-in ang kanyang amo, eksaktong tagpo na kinagigiliwan ng lahat.
Makikita si Scobby na maayos na nakaupo sa tabi ng driver. Hindi ito maingay, hindi rin sagabal bagkus ay nagpapagaan pa ng biyahe ng mga pagod na pasahero.
Maraming commuters ang nagsasabing nawawala ang pagod nila kapag nakikita si Scobby, lalo na kapag nagbibigay ito ng munting halik sa pisngi ng kanyang amo bilang gantimpala sa bawat utos na sinunod niya.
Ang kwento nina Scobby at ng kanyang fur-daddy na jeepney driver ay patunay na hindi kailangan ng marangyang bagay upang makapaghatid ng ngiti at ligaya sa iba.
Sa gitna ng init, trapiko, at pagod, isang maliit na aspin lang ang sapat na dahilan upang mapasaya ang buong jeep.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento