Advertisement

Responsive Advertisement

KATAPATAN AT PAGMAMAHAL: AMO, BUMALIK SA GITNA NG BAHA PARA HANAPIN SA KANYANG ASO

Linggo, Setyembre 14, 2025

 



Isang nakakatuwa at nakakaantig na tagpo ang pumukaw sa damdamin ng mga netizens matapos makuhanan ng larawan ang isang lalaki at ang kanyang tapat na aso na magkasamang sumakay habang binabagtas ang baha sa paligid ng E-mall sa Leon Kilat Street, Cebu City.


“Akala ko nawala na si Browny pero hindi ko kayang umuwi nang hindi siya kasama, Hindi ko siya kayang iwan kaya hinanap ko siya" emosyonal na saad ni Carlo Ramirez. 


Ayon sa mga nakasaksi, matinding pag-aalala ang bumalot sa lalaki nang hindi niya makita ang kanyang alaga na si Browny sa gitna ng rumaragasang baha. Halos buong paligid ng E-mall ay nilibot niya sa pag-aakalang nakalangoy palayo ang kanyang aso. Ngunit laking ginhawa nang matuklasang nagtatago lang pala ito sa isang sulok, nanginginig ngunit ligtas.


Matapos makita si Brown, agad niya itong binuhat at isinakay sa kanyang munting pedicab upang hindi mapagod. Sa kabila ng kanyang pagod at pagkabasa ni Carlo, makikita ang ngiti sa kanyang mukha habang sakay ang kanyang pinakamamahal na alaga.


Ang eksenang ito ay nagpapaalala sa atin na ang tunay na pagkakaibigan ay hindi matitinag ng bagyo o baha. Sa kabila ng panganib at hirap, pinili pa rin ni Carlo na balikan at iligtas si Browny, dahil para sa kanya, hindi ito basta hayop, kundi bahagi ng kanyang pamilya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento