Advertisement

Responsive Advertisement

ISANG DIREKTOR, NANAWAGANG TUMAKBO SI VICE GANDA BILANG PRESIDENTE SA 2028: "NANINIWALA AKO SIYA LANG ANG MAKAKATALO KAY SARAH DUTERTE"

Linggo, Setyembre 14, 2025

 



Isang nakakagulat ngunit makabuluhang pahayag ang binitawan ng batikang direktor na si Lav Diaz sa isang panayam. Ayon kay Lav, panahon na upang gamitin ang impluwensiya ng pop culture para mapigilan ang posibilidad ng pag-upo ni Sara Duterte bilang susunod na Pangulo ng bansa.


Sa tingin niya, ang pinakamalakas na personalidad mula sa pop culture na may kakayahang baguhin ang daloy ng politika ay si Vice Ganda.


“Gamitin natin ang pop culture to destroy that the prospect of a Sara Duterte presidency. Sino ba ang pinaka-icon sa pop culture ngayon? Vice Ganda. At maganda rin ang pananaw ni Vice, gamitin natin — let’s use that,” pahayag ni Lav.


Binigyang-diin pa ni Lav na dalawang taon na lang ang nalalabi bago ang halalang pampanguluhan sa 2028, kaya kailangan na umanong kumilos ngayon pa lang upang hindi matuloy ang “bangungot” na kanyang tinutukoy.


Naniniwala si Lav na ang kasikatan at impluwensiya ni Vice Ganda ay maaaring magsilbing boses ng karaniwang Pilipino, at posibleng makabago sa nakasanayang politika ng bansa. Para sa kanya, ang mga personalidad mula sa pop culture ay may kakayahang pukawin ang damdamin at makabuo ng kilusang makabayan.


Ang panawagan ni Lav Diaz ay isang matapang na panukala na gumagamit ng impluwensiya ng sining at kultura bilang kasangkapan sa pagbabago.

Bagama’t kontrobersyal, binuksan nito ang diskusyon na maaaring ang susunod na lider ng bansa ay hindi kailangang mula sa tradisyonal na politika, kundi mula sa mga taong tunay na may malasakit sa masa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento