Nagbigay ng kilig at pag-asa sa mga tagahanga ang aktres na si Bea Alonzo nang aminin niyang posible ang isang reunion project kasama ang kanyang matalik na kaibigang si John Lloyd Cruz.
Sa isang panayam kay Nelson Canlas para sa GMA News noong Setyembre 12, 2025, ibinahagi ni Bea na kasalukuyan silang naghahanap ng tamang proyekto na pareho nilang magugustuhan at babagay sa estado ng kanilang mga buhay ngayon.
“Naghahanap lang kami ng tamang proyekto na pareho, that we both can agree on. And something that would represent us right now, where we are at in our lives,” ani Bea.
“Kapag dumating ang tamang proyekto para sa amin ni Lloydie, why not? Gusto rin naming maibigay sa mga tagahanga ang hinahanap nilang kilig pero gusto naming may saysay at akma na sa kung nasaan kami ngayon.” dagdag niya
Bukod sa balitang reunion, naging usap-usapan din ang nakakatawang imbitasyon ni John Lloyd sa pamamagitan ng Instagram, imbes na sa kanilang mga private chats gaya ng WhatsApp o Viber.
Ayon kay Bea, tila nakalimutan ni John Lloyd na may personal silang komunikasyon kaya’t nagulat siya nang mabasa ang imbitasyon nito sa Instagram comment section.
Sa kabila ng mga taon na lumipas at kani-kanilang mga bagong yugto sa buhay, mananatiling espesyal ang tambalan nina Bea at John Lloyd sa puso ng mga Pilipino. Ang posibilidad ng muli nilang pagsasama sa isang proyekto ay nagbigay ng pag-asa sa mga tagahanga na muling masilayan ang kanilang chemistry sa pelikula o telebisyon.
Ang muling pagkikita sa isang proyekto nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ay siguradong magiging isang engrandeng pagbabalik para sa isa sa pinakapaboritong tambalan sa showbiz. Habang wala pang tiyak na detalye, sapat na ang kanilang mga pahiwatig upang muling buhayin ang kilig sa puso ng mga tagahanga.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento