Advertisement

Responsive Advertisement

FERDINAND MARCOS JR. HINDI NAPIGILAN MAGMURA MATAPOS MADISKUBRE ANG UMANO’Y ‘GHOST PROJECT: "LINTIK NG MGA YAN, DAPAT MAY MANAGOT"

Sabado, Setyembre 13, 2025

 



Hindi napigilan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magpahayag ng matinding galit matapos madiskubre ang isang umano’y “ghost project” ng flood control sa Baliwag, Bulacan.


“Hindi natin palalampasin ito. Lintik ng mga yan dapat managot ang mga may kagagawan ng ganitong kalokohan. Pera ito ng taumbayan,” aniya.


Wala ni isang pader, ni isang semento, ni isang bakal, tapos sasabihing 100% complete? Hindi ako papayag na maisahan ang taumbayan"


Batay sa ulat, ang proyekto ay isang reinforced concrete riverwall na idineklarang “100 percent complete” at ganap nang nabayaran, ngunit wala ni isang pirasong semento, hollow block, o anumang kagamitan ang makikita sa aktwal na lokasyon.


Habang iniinspeksyon ang lugar, hindi na napigilang magmura ng Pangulo dahil sa matinding pagkadismaya at galit sa ginawang panlilinlang.


“Paano nila nasabing tapos na ito kung wala namang kahit anong itinayo rito? Niloloko nila ang taumbayan,” galit na pahayag umano ni Marcos.


Ang proyekto ay bahagi ng mga flood control programs na layong maiwasan ang malawakang pagbaha sa lalawigan, ngunit ang kawalan ng aktwal na istruktura ay nagbabadya ng panganib sa kaligtasan ng mga residente.


Ayon sa Pangulo, hindi siya papayag na patuloy na manlamang ang mga tiwaling opisyal gamit ang pondo ng bayan habang patuloy na nalalagay sa peligro ang buhay ng mga tao.


Ang matinding reaksyon ni Ferdinand Marcos Jr. sa natuklasang “ghost project” sa Baliwag ay patunay ng kanyang pagtutol sa katiwalian at paninindigang protektahan ang pondo ng bayan.


Ipinapaalala nito sa mga opisyal na ang bawat pisong ginagastos ay may katumbas na pawis ng mga Pilipino, at walang dapat masayang o mapunta sa bulsa ng mga tiwali.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento