Advertisement

Responsive Advertisement

VICE GANDA, NANGUNA SA PANAWAGAN: SAMA-SAMA SA LUNETA AT EDSA LABAN SA KORAPSYON: "KUNG GUSTO NATIN NG PAGBABAGO, DAPAT KUMILOS TAYO"

Linggo, Setyembre 21, 2025

 



Mainit na panawagan ang inilabas ng TV host-comedian na si Vice Ganda sa kanyang milyun-milyong followers upang makiisa sa malawakang protesta laban sa korapsyon na gaganapin sa Linggo, September 21, 2025, sa Rizal Park (Luneta), Maynila at EDSA Shrine, Quezon City.


“Hindi na puwede ang tahimik. Kung gusto natin ng pagbabago, dapat kumilos tayo. Sama-sama tayo bukas para ipakita na sawa na tayo sa nakawan, sawa na tayo sa kasinungalingan.” -Vice Ganda


Sa kanyang sunod-sunod na Instagram Stories nitong Biyernes at Sabado, buo ang loob ni Vice na hikayatin ang publiko na tumindig at magpahayag ng galit sa mga katiwalian sa gobyerno, partikular na ang mga anomalya sa multi-bilyong flood control projects na lumutang sa Senado.


Sa kanyang unang post, diretsahan niyang sinabi:

“Magkita kita tayo sa Luneta sa Linggo. Oras na para wakasan ang kagarapalan ng mga hayop na magnanakaw sa gobyerno.”


Sumunod naman niyang post ay higit pang nagpaigting ng panawagan:

“Magsama sama tayong tumindig at maglabas ng galit sa korapsyon at sa mga politikong magnanakaw bukas sa EDSA Shrine.”


Ayon sa mga ulat, hindi nag-iisa si Vice Ganda sa laban. Inaasahang sasama rin sa kilos-protesta ang ilang kapwa artista at personalidad tulad nina:


Anne Curtis

Ogie Alcasid

Isabelle Daza

Agot Isidro


Ang kanilang presensya ay inaasahang magbibigay ng mas malaking atensyon at suporta sa panawagang ibasura ang katiwalian sa gobyerno. Hindi lingid sa publiko na matagal nang lantad si Vice Ganda bilang isa sa mga showbiz personalities na walang takot magsalita laban sa katiwalian at korapsyon.


Ang protesta ay bunga ng galit ng taumbayan sa kaliwa’t kanang anomalya sa flood control projects na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso. Lumalabas sa imbestigasyon na ilang congressmen, contractor, at opisyal ng gobyerno ang sangkot dito.


Ang panawagan ni Vice Ganda at ang pagdalo ng mga sikat na personalidad ay nagbibigay ng boses at lakas sa taumbayan na matagal nang nananawagan ng hustisya at pagbabago.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento