Advertisement

Responsive Advertisement

‘KAYA KO BUHAYIN ANG ANAK KO’: RUFA MAE, LUMABAN SA HARAP NG PAGKAWALA NG ASAWA

Biyernes, Setyembre 19, 2025

 



Mariing pinabulaanan ng aktres-komedyanteng si Rufa Mae Quinto ang mga kumakalat na balitang nakatanggap na umano siya ng death benefits mula sa pagpanaw ng kanyang asawa na si Trevor Magallanes.


Sa kanyang bagong vlog sa YouTube, nilinaw ni Rufa Mae na wala pa siyang natatanggap ni isang kusing mula sa mga benepisyo, at kasalukuyan pa lang siyang nagsasagawa ng mga kinakailangang proseso at aplikasyon.


“Sa totoo, wala pa akong nakuha kahit singko, wala pa ako nakukuha kahit magkano dahil wala pa. Maraming proseso ‘yan… Actually, hindi ko iniisip ‘yun, kaya kong buhayin sarili ko at ang anak ko,” ani Rufa Mae.


Pinabulaanan din niya ang mga usap-usapang nagkaroon sila ng problema sa pera noong nabubuhay pa ang kanyang asawa. Aniya, simple lang ang kanilang pamumuhay at hindi sila naging magastos o maluho.


“Wala kaming problema sa pera kahit kailan… kumain ng masarap, mabili ‘yung gusto namin, ‘yun lang. Walang withdrawal na nakuha, wala akong pera kahit magkano. ‘Wag n’yo isipin ‘yan,” paglilinaw pa niya.


Ibinahagi rin ni Rufa Mae na bago pumanaw si Trevor, nagkaayos sila at nangakong uunahin ang kapakanan ng kanilang anak na si Athena. Ayon sa kanya, naghanda si Trevor ng mga benepisyo para masiguro ang kinabukasan ni Athena kahit wala na siya.


“Si Trev nagplano siya ng maganda para sa amin na hanggang 100 years old ang anak ko, maalagaan siya… Yun din ‘yung dahilan kung bakit siya ang asawa ko kasi hanggang sa huli, ako at ang anak ko ang inayos niya,” wika ni Rufa Mae.


Ang kwento ni Rufa Mae Quinto ay patunay na walang makakatalo sa tibay ng isang ina para sa kanyang anak. Sa kabila ng pagkawala ng kanyang asawa, nananatili siyang matatag at handang itaguyod ang kinabukasan ni Athena sa sarili niyang pagsisikap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento