Advertisement

Responsive Advertisement

"HINDI KO ALAM KUNG SINO ANG GUMASTOS SA CHARTER JET" USEC. CLAIRE CASTRO SINAGOT ISYU NG GASTOS SA PAGDKIP KAY DATING PANGULONG DUTERTE

Sabado, Pebrero 28, 2026

 



Inamin ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na wala siyang impormasyon kung sino ang gumastos sa charter jet na ginamit sa paglipad patungong The Hague kaugnay ng pagdakip kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon kay Castro, hindi siya ang tamang opisyal na makakapagbigay ng detalye tungkol sa pinagmulan ng pondo para sa naturang flight. Iginiit niyang wala siyang ideya kung sino ang nagpondo sa charter jet na sinasabing ginagamit din sa ilang opisyal na biyahe ng Pangulo sa ibang bansa.


Sa kabila nito, nilinaw ni Castro na hindi siya makakapagbigay ng tiyak na sagot hangga’t wala siyang hawak na opisyal na impormasyon. Aniya, may mga tanggapan na mas may direktang kaalaman tungkol sa detalye ng ganitong uri ng gastusin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento