Advertisement

Responsive Advertisement

SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ, BILANG MASTERMIND NG DPWH FLOOD CONTROL PROJECTS NG MGA DISCAYA: "ILANG BESES BINABANGGIT ANG PANGALAN NI SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ"

Lunes, Setyembre 8, 2025

 



Lalong uminit ang imbestigasyon ng Senado sa kontrobersyal na flood control projects matapos pangalanan ni Contractor Pacifico “Curlee” Discaya II sina House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy “Zaldy” Co bilang mga matataas na opisyal na umano’y nakatanggap ng porsyento mula sa kontrata.


Sa kanyang sinumpaang pahayag, isiniwalat ni Discaya na ilang opisyal ng DPWH ang nagbanggit na umaabot sa 25% ng kabuuang halaga ng proyekto ang napupunta raw kay Rep. Co. “Karamihan sa mga kawani ng DPWH na nabanggit sa itaas ay paulit-ulit na binabanggit ang delivery ng pera ay para kay Zaldy Co, na dapat ay at least 25%,” pahayag ni Curlee.


Dagdag pa niya, ilang beses umanong naikokonekta ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez sa mga transaksyon. Aniya, “Si Cong. Marvin Rillo naman ay ilang beses binabanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kaniyang malalapit na kaibigan.”


Bukod kina Romualdez at Co, muli ring lumutang ang pangalan ng iba pang politiko at ilang tauhan ng DPWH na umano’y tumatanggap ng porsyento mula sa flood control funds, ayon kay Discaya.


Samantala, agad namang naglabas ng pahayag si House Speaker Romualdez at mariing itinanggi ang akusasyon. Ayon sa kanya, wala umanong makakapagsuhol sa kanya at ang nasabing paratang ay isang malaking kasinungalingan.


"Hindi ako kailanman tatanggap ng suhol o makikipagsabwatan para mang-abuso ng pondo ng bayan. Ang paratang na ito ay walang katotohanan, at sisiguraduhin kong papanagutin ang mga nagpapakalat ng ganitong kasinungalingan."


“And I say this with all honesty: I have never, and I will never, accept a bribe from anybody. Walang sinuman ang kayang manuhol sa akin. Alam iyan ng lahat ng House members,” anang House Speaker.


Ang pahayag ni Curlee Discaya laban kina Speaker Martin Romualdez at Rep. Elizaldy Co ay nagdagdag ng mas malaking bigat at kontrobersya sa usapin ng flood control projects. Habang lumalakas ang panawagan para sa masusing imbestigasyon, nananatiling hati ang publiko sa pagitan ng mga akusasyon at pagtanggi.


Sa huli, ang transparency at matibay na ebidensya ang magiging susi kung sino ang tunay na mananagot. Hanggang hindi ito nalilinawan, mananatiling malaking tanong kung saan napupunta ang pondo ng bayan at sino ang tunay na nakikinabang dito.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento