Sa gitna ng maiinit na isyu hinggil sa DPWH Flood Control Project Anomaly, nanindigan si House Speaker Martin Romualdez na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ay patuloy na nakikipagtulungan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa kanyang Gabinete upang palakasin ang proseso ng pambansang budget at matiyak ang transparency sa paggamit ng pondo ng bayan.
Sa kanyang pahayag nitong Lunes, nagpasalamat si Romualdez kay Pangulong Marcos sa kanyang “understanding and call for calm” matapos sumiklab ang tensyon ukol sa panukalang 2026 National Expenditure Program (NEP).
"Walang exempted sa transparency—kasama kami diyan. Ang bawat piso ng pondo ay para sa taumbayan, at sisiguraduhin naming ito’y mapupunta sa tama at makikinabang ang bawat Pilipino." -House Speaker Martin Romualdez
“On behalf of the House of Representatives, I thank President Ferdinand R. Marcos Jr. for his understanding and his call for calm. We also acknowledge the dedicated work of the Cabinet in preparing the National Expenditure Program,” ani Romualdez.
Binigyang-diin pa niya na ang pangunahing tungkulin ng Kamara ay hindi para magturo ng sisi kundi tiyakin na “every peso in the budget is transparent, accountable, and truly for the people.”
Ayon kay Romualdez, nagsisimula na ang Kongreso sa pagpapatupad ng mga reporma sa kanilang institusyon upang mapalakas ang tiwala ng publiko. “Walang exempted—kasama kami diyan,” giit niya.
Dagdag pa niya, ang kasalukuyang mga diskusyon ay hindi dapat tingnan bilang banggaan ng mga institusyon kundi bilang “partnership in accountability and service.”
“The House stands united with the President and his Cabinet to restore trust, ensure transparency, and deliver a budget that is credible, acceptable, and beneficial to every Filipino,” dagdag pa ni Romualdez.
Sa harap ng mga alegasyon ng anomalya, iginiit ni Speaker Martin Romualdez ang kahalagahan ng transparency at accountability sa lahat ng institusyon ng gobyerno, kabilang na ang Kongreso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento