Advertisement

Responsive Advertisement

MAINE MENDOZA, UMALMA SA PAGDAWIT KAY ARJO ATAYDE: "BASELESS ALLEGATIONS, NAPAKA UNFAIR"

Lunes, Setyembre 8, 2025

 



Sa gitna ng kaliwa’t kanang batikos at alegasyon, iginiit ni Maine na walang basehan ang mga paratang laban kay Arjo. Aniya, dapat hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon bago magbato ng masasakit na salita at personal na atake laban sa kanilang pamilya.


"Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out," panawagan ni Maine.


"I am with my husband in this. Wala siyang ginagawang masama at patuloy siyang naglilingkod sa mga taga-Quezon City. Napaka-unfair na nadadamay ang mga inosente. Ipagdasal natin na ang totoong may sala ang mapanagot." dagdag ni Maine


Dagdag pa ng aktres-TV host, ginagawa ni Arjo ang lahat upang magsilbi nang tapat sa kanyang distrito sa Quezon City. “Wala siyang ginagawang masama sa loob. He has been doing his best to serve the people of his district in Quezon City since the beginning,” saad niya.


Nagpahayag din si Maine ng pag-asa na ang tunay na mga may sala ang mapanagot, at ang mga inosente ay hindi madamay sa kontrobersya. “I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess. Napaka unfair,” dagdag niya.


Sa kabila ng maiinit na alegasyon laban kay Rep. Arjo Atayde, nananatiling matatag ang suporta ni Maine Mendoza sa kanyang asawa. Ang kanyang pahayag ay nagsisilbing paalala na hindi dapat agad husgahan ang mga taong nadadawit sa kontrobersya hangga’t walang malinaw na ebidensya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento