Advertisement

Responsive Advertisement

“NAPILITAN KAMI, LABAG SA LOON NAMIN” — PAHAYAG NG DISCAYA, INILAGLAG ANG ILANG OPISYAL NG DPWH AT KONGRESO

Lunes, Setyembre 8, 2025

 



Sa gitna ng kontrobersyal na imbestigasyon kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects ng DPWH, umalma ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya at idiniin ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) pati na rin ang ilang kongresista.


"Napilitan kaming makisama sa kalakaran kahit labag sa aming kalooban. Ang gusto lang namin ay magtrabaho nang tama at legal, pero tila ba ang sistema mismo ang nagtutulak para makisali sa mali. Sana dumating ang araw na may managot at maayos ang bulok na sistema." -Sarah Discaya


Ayon sa kanilang sinumpaang pahayag, hindi naging madali para sa kanila ang pamamahala ng kanilang negosyo nang lumaki ang pangalan ng St. Gerard Construction. Dito raw nagsimulang lumapit ang iba’t ibang district engineers, regional directors ng DPWH, at mga chiefs of staff ng mga mambabatas na nag-aalok ng proyekto.


“Unti-unting nagsilapitan ang mga district engineers at mga regional directors ng DPWH at mga chiefs of staff ng mga mambabatas na nag-aalok ng mga proyektong sinasabi nilang pondo ng mambabatas,” pahayag ni Curlee Discaya.


Sinubukan umano nilang ipaglaban at ireport ang mga iregularidad, ngunit hindi raw sila pinakinggan. Sa kalaunan, sinabi raw sa kanila na tanggapin na lang nila ang realidad—na kinakailangan nilang magbigay ng porsyento sa ilang mambabatas kung nais nilang manatiling may proyekto mula sa gobyerno.


“Noong una, sinubukan naming labanan ang mga ito sa pamamagitan ng pagre-report sa DPWH hindi sila natitinag. Sabi nila, dapat tanggapin namin ang realidad na dapat kaming magbayad sa mga mambabatas kung gusto naming magpatuloy a magkaroon ng projects sa gobyerno,” dagdag pa ni Discaya.


Ang pagsisiwalat ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya ay muling nagbukas ng mas malalim na diskusyon hinggil sa bulok na sistema ng korapsyon sa bansa. Ang kanilang testimonya ay nagsilbing paalala na kahit ang mga kontraktor na nagnanais lamang magtrabaho nang legal ay naiipit at napipilitang makisama sa maling kalakaran upang manatiling buhay ang kanilang negosyo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento