Mariing itinanggi ni House Speaker Martin Romualdez ang alegasyon ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya na ginagamit umano ang kanyang pangalan upang makakuha ng porsyento mula sa mga proyekto ng imprastruktura. Ayon kay Romualdez, ang paratang ay “false, malicious, and nothing more than name-dropping.”
"Walang sinuman ang makakapanuhol sa akin. Hindi ko kailanman gagamitin ang posisyon ko para sa pansariling interes. Ang paratang laban sa akin ay walang basehan at pawang name-dropping lamang." -House Speaker Martin Romualdez
Sa kanyang opisyal na pahayag, iginiit ng Speaker na hindi kailanman siya tumanggap at hindi kailanman tatanggap ng anumang uri ng suhol mula kanino man. “I say this with all honesty: I have never, and I will never, accept a bribe from anybody,” aniya.
Dagdag pa niya, kilala siya ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan bilang isang taong hindi kayang suhulan. “Walang sinuman ang kayang manuhol sa akin. Alam iyan ng lahat ng House Members. I am self-made, and I have been blessed with the trust of the Filipino people,” saad niya.
Binigyang-diin pa ni Romualdez na hindi niya kailanman hahayaang masira ang kanyang pangalan at tiwala ng taumbayan dahil lamang sa perang hindi kanya. “I do not need—and will never allow myself—to be corrupted by money that does not belong to me,” dagdag niya.
Samantala, nananawagan siya sa publiko na maging maingat sa paniniwala sa mga akusasyong walang sapat na ebidensya at huwag basta madadala sa mga pangalan o pangalan-dropping na taktika.
Sa kabila ng mga alegasyon, nanindigan si House Speaker Martin Romualdez na ang kanyang pangalan ay hindi dapat ginagamit sa anumang uri ng anomalya. Para sa kanya, malinaw na ang mga paratang ay walang matibay na ebidensya at pawang paninira lamang.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento