Mabilis na kumalat online ang isang larawan ni Quezon City First District Representative Arjo Atayde kasama ang mag-asawang kontraktor na sina Curlee at Sarah Discaya. Ang naturang litrato ay ginamit ng ilan bilang ebidensya na umano’y konektado siya sa kontrobersyal na flood control anomaly na iniimbestigahan ngayon sa Senado.
"I’ve never dealt with them. Hindi kami nag-usap tungkol sa kahit anong proyekto. Yung picture na kumakalat was a simple ‘hi, hello’ and nothing more. I want to make it clear na wala akong kinalaman sa mga alegasyon laban sa kanila.” -Arjo Atayde
Ngunit agad itong itinanggi ng aktor-politiko. Sa isang pahayag, nilinaw ni Atayde na ang nasabing larawan ay kuha noong 2022 panahon na siya’y bagong halal bilang kongresista kung saan bumisita ang Discaya couple sa kanyang opisina.
“Totoo na pumunta sa opisina namin ang mga Discaya. This was around 2022, and we met with them just like any visitor to our district office. It was a quick ‘hi, hello’ and picture-taking since it wasn’t a planned meeting. It was the first and last time I met with them. We never talked anything about any project. And I’ve never dealt with them,” paliwanag ni Atayde.
Ang pangalan ni Atayde ay kabilang sa listahan ng mga kongresista at opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na idiniin ng Discaya couple sa Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 8, 2025.
Ayon sa pahayag ng mga Discaya, may ilang mambabatas at opisyal umano ang tumatanggap ng porsyento mula sa flood control projects mula 25% hanggang 30% ng kabuuang halaga. Gayunman, iginiit ni Atayde na wala siyang anumang naging transaksyon sa mag-asawa at walang basehan ang mga paratang laban sa kanya.
Sa harap ng patuloy na imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects, nanindigan si Rep. Arjo Atayde na walang katotohanan ang paratang na konektado siya sa mga Discaya. Para sa kanya, ang kumalat na larawan ay simpleng pagkikita at walang kinalaman sa anumang proyekto ng gobyerno.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento