Isang mainit na usaping legal at politikal ang muling yumanig sa bansa matapos nagsampa ng mga kasong kriminal at administratibo si Sebastian Duterte o “Baste,” ang kasalukuyang Acting Mayor ng Davao City, laban sa ilang matataas na opisyal ng gobyerno dahil sa umano’y “pagdukot” sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Hindi ito basta usaping pampulitika lang. May mga batas tayong nilabag at may karapatang niyurakan. Hindi kami mananahimik habang inaapi ang aming ama.” -Sebastian Duterte
Ayon sa kanyang abogado na si Israelito Torreon, inihain ang reklamo sa Office of the Ombudsman for Mindanao noong alas-8:55 ng umaga, base na rin sa post ni Torreon sa Facebook. Ang mga isinampang kaso ay may kaugnayan sa pag-aresto kay Rodrigo Duterte noong Marso 11 batay sa warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC).
Kabilang sa mga opisyal na sinampahan ng kaso nina Baste at Torreon ay sina:
Juan Victor Remulla – Kalihim ng Department of the Interior and Local Government
Gilbert Teodoro – Kalihim ng Department of National Defense
Eduardo Año – National Security Adviser
Crispin Remulla – Kalihim ng Department of Justice
Nicholas Felix Ty – Undersecretary ng DOJ
Dating mga hepe ng Philippine National Police (PNP): Nicolas Torre III at Rommel Marbil
At iba pang opisyal: Markus Lacanilao, Anthony Alcantara, Richard Anthony Fadullon, at Jean Fajardo
Sila ay inakusahan ng:
Kidnapping
Arbitrary detention
Qualified direct assault
Expulsion
Usurpation of judicial functions
At paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act
Ang hakbang ni Sebastian Duterte ay nagpapakita ng matinding paninindigan ng pamilya Duterte laban sa mga kasong kinahaharap ni Rodrigo Duterte at sa mga opisyal na umano’y sangkot sa kanyang pag-aresto. Habang patuloy ang imbestigasyon, mananatiling sensitibo at kontrobersyal ang usaping ito sa larangan ng pulitika at hustisya sa bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento