Advertisement

Responsive Advertisement

DAYUHANG BABAE, NAGMURA AT NANG-INSULTO NG MGA PILIPINO SA ISANG 7-ELEVEN SA MAKATI: "FILIPINOS ARE ALL UGLY AND SLAVES"

Lunes, Setyembre 15, 2025

 



Umani ng galit at pagkondena mula sa publiko ang isang dayuhang babae na nang-insulto sa mga kahera at mga Pilipino sa loob ng isang sangay ng 7-Eleven sa Knightsbridge Residences, Makati noong Sabado, Setyembre 14.


Ayon sa isang post ng Reddit user na si heybibled, bigla na lamang nagalit at nagmura ang nasabing babae matapos hindi pagbigyang makabili ng maraming pakete ng sigarilyo nang sabay-sabay.


Sa isang video ng insidente, maririnig ang babae na tinatawag ang mga Pilipino na “ugly” at “slaves” at sinabing: “I’m gonna insult anyone I want as much as I want for all the insult that I receive from all of you.”


Maraming netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya at galit sa ginawa ng babae, na itinuring nilang malinaw na pambabastos at pang-aapi sa lahing Pilipino. Ayon pa sa ilang nakasaksi, nanatiling kalmado ang mga kahera at staff sa kabila ng panlalait at pagmumura sa kanila.


“Hindi tama ang ginawa niya. Maayos ang pakikitungo ng mga staff pero minura pa rin niya. Walang sinuman ang may karapatang maliitin ang mga Pilipino.” - Cashier ng 711


Ang insidenteng ito sa Makati ay paalala na hindi dapat basta palampasin ang anumang uri ng diskriminasyon at pambabastos sa ating lahi. Bagama’t nanatiling propesyonal ang mga staff, nararapat lamang na mabigyang hustisya at proteksyon ang kanilang dignidad bilang mga manggagawang Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento