Advertisement

Responsive Advertisement

ICC TRIAL, IPINAPAANTALA DAHIL SA LUMALALANG MEMORY LOSS NI DATING PANGULONG DUTERTE: "MR. DUTERTE IS UNABLE TO FULLY UNDERSTAND WHERE HE IS RIGHT NOW"

Lunes, Setyembre 15, 2025

 



Isang nakababahalang balita ang lumutang matapos ihayag ng kanyang abogado na si Nicholas Kaufman na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nakararanas na ng matinding pagkawala ng memorya (memory loss) at hindi na umano siya akmang humarap sa paglilitis ng International Criminal Court (ICC).


Sa isinampang dokumentong pinamagatang “Defense Request for an Indefinite Adjournment” noong Setyembre 11, sinabi ni Kaufman na may mga palatandaan ng cognitive impairment si Duterte na nakahahadlang upang maunawaan niya ang mga kasong isinampa laban sa kanya.


“Mr. Rodrigo Roa Duterte is not fit to stand trial as a result of cognitive impairment in multiple domains,” ayon kay Kaufman sa kanyang isinumiteng dokumento.


Dagdag pa ng abogado, hirap na si Duterte na alalahanin ang mga pangyayari, mga lugar, petsa, at maging ang ilang miyembro ng kanyang pamilya at defense team.

Sinabi rin niya na hindi na rin nakakakilala ng mga bagong impormasyon ang dating pangulo at hirap na sundan ang proseso ng paglilitis.


“With his impaired memory and concomitant inability to retain new information or to recall events, places, timing or even members of his close family and Defence team, Mr. Duterte is unable to fully understand where is he right now and implications of the proceedings conducted against him,” dagdag pa ni Kaufman.


Ang pahayag ng abogado ni Rodrigo Duterte ay nagbukas ng panibagong yugto sa kasong kinahaharap niya sa International Criminal Court. Kung mapatunayang totoo ang kanyang kondisyon, maaaring maantala o tuluyang hindi na matuloy ang paglilitis, ngunit kasabay nito ang paghahati ng opinyon ng publiko kung ito ba ay tunay na kalagayang medikal o bahagi ng legal na estratehiya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento