Advertisement

Responsive Advertisement

‘SANA MAKONSENSYA SILA’: PIOLO PASCUAL, DISMAYADO SA MARCOS ADMINISTRATION SA PAG-AAKSAYA NG PERA NG BAYAN

Martes, Setyembre 16, 2025

 



Nagpahayag ng panghihinayang at pagkadismaya ang aktor na si Piolo Pascual hinggil sa mga umuugong na isyu ng katiwalian sa pamahalaan, partikular na sa umano’y maling paggamit ng pera ng taumbayan.


Bilang isa sa mga nangungunang taxpayer sa bansa, inamin ni Piolo na nakakapanlumo makita na ang pinaghihirapang buwis ng mga mamamayan ay nauuwi lamang umano sa luho at paglalakbay ng iilan.


“I’m praying about it, na sana mapanagot talaga ‘yung dapat managot… para naman magkaroon tayo ng confidence sa gobyerno natin at sa bansa natin… It’s all about the Philippines. Sana lang magkaroon tayo ng awareness,” pahayag ni Piolo sa panayam ng media.


Biro pa ng aktor, mayroon pa siyang back tax na kailangang bayaran, ngunit nakakabahala umano na tila napupunta lang ito sa mga hindi makatarungang paggastos.


“Parang pambili lang naman nila ng luxury, pangbiyahe lang naman nila. Hindi… joke lang,” biro ni Piolo, sabay tawa.


Nang tanungin kung nakakatanggap ba siya ng tax refund, natawa lamang siya at sinabing wala.


“Wala nga tayong tax refund… pero wala, you have to abide… taxpayer ka pa, no matter what happens.”


Ayon kay Piolo, ang tunay na kawawa sa mga kaso ng katiwalian ay ang mga karaniwang Pilipino na hirap makabangon sa mga kalamidad tulad ng baha, habang ang mga flood control projects ay tila hindi nararamdaman ang epekto.


“At the end of the day you have this flood control project and see all your fellowmen having a hard time… Sana magkaroon ng konsensya ‘yung mga taong involved kasi nakakahiya. Saan ka dadalhin ng pera mo? Sapat ay sapat na, huwag mo nang nakawan ‘yung taong naghihirap na nga,” ani Piolo.


Ang pahayag ni Piolo Pascual ay sumasalamin sa damdamin ng maraming Pilipino na nagsusumikap magbayad ng buwis ngunit nakararamdam ng kawalan ng tiwala sa gobyerno dahil sa mga alegasyon ng katiwalian. Ipinapaalala nito na ang bawat pisong galing sa buwis ay may katumbas na dugo’t pawis ng mamamayan kaya’t nararapat lamang na gamitin ito nang may integridad at malasakit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento