Nagpahayag ng buong suporta si House Speaker Martin Romualdez sa isinusulong na kampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pananagutan at transparency sa gitna ng mga alegasyon ng iregularidad sa mga infrastructure projects gaya ng flood control.
Sa isang opisyal na pahayag nitong Lunes, binigyang-diin ni Romualdez na ang House of Representatives ay hindi magiging taguan ng sinuman, at walang poprotektahan, kahit pa miyembro nito.
“Walang itinatago, walang poprotektahan, at higit sa lahat hindi lilihis sa interes ng taumbayan,” ani Romualdez, kasabay ng pagtutok sa panawagan ni Marcos na walang dapat ligtas sa pananagutan.
Binigyang-diin ni Romualdez na dapat nakabatay sa ebidensya at hindi sa tsismis ang mga imbestigasyon, upang masiguro na makakamit ang hustisya at hindi masisira ang reputasyon ng mga inosente.
“Investigations must be anchored on facts and evidence, not on rumor or hearsay. Only by focusing on the truth can we ensure both accountability and fairness. The House will not be a refuge for wrongdoing. Not even its own members will be shielded.” dagdag niya.
Ipinahayag din ni Romualdez ang suporta ng Kamara sa bagong tatag na Independent Commission for Infrastructure (ICI), na layuning linisin ang sistema at tiyaking ang pondo ng bayan ay napupunta sa mga proyektong tunay na nakikinabang ang mga Pilipino.
Ayon sa kanya, nagsimula na ring magsagawa ng pagsusuri ang mga House committees sa mga procurement safeguards at project monitoring para mapatibay ang oversight sa mga proyekto.
“This issue is bigger than personalities. It is about safeguarding the people’s money and ensuring that every project truly serves the Filipino people,” ani Romualdez.
Ang pahayag ni Martin Romualdez ay nagpapakita ng pagtutok ng Kamara sa pagpapairal ng transparency at pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan. Sa pamamagitan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at mga internal na reporma, layunin nilang matiyak na ang bawat proyektong pinopondohan ay tunay na makikinabang ang mga Pilipino.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento