Nag-viral online ang cryptic pero matapang na post ni aktor at host Edu Manzano na tila patutsada laban kay House Speaker Martin Romualdez, na kasalukuyang ini-uugnay sa kontrobersyal na flood control projects na iniimbestigahan dahil sa umano’y malawakang katiwalian.
Sa kanyang social media post, sinabi ni Edu:
“Kung talagang mag-resign ka bukas huwag ka nang bumalik para may oras kang harapin ang mga akusasyon ng korupsyon. Kung may mabibigat na alegasyon ng korapsyon, dapat harapin, hindi tinatakbuhan. Pera ng taumbayan ang nakataya dito.”
Ang nasabing post ay lumabas kasabay ng pagkumpirma ni House Deputy Speaker at Antipolo Representative Ronaldo Puno na magbibitiw pansamantala sa tungkulin si Romualdez bilang Speaker ng House of Representatives sa Setyembre 17, 2025.
Kilala si Edu sa pagiging vocal na kritiko ng katiwalian sa gobyerno, partikular sa mga mambabatas, contractor, at DPWH officials.
Madalas niyang binabatikos ang mga tiwaling gawain gamit ang kanyang mga satirical o nakakatawang social media posts na may halong pang-iinsulto ngunit may layuning gisingin ang damdamin ng publiko.
“Hindi biro ang pera ng bayan. Kung nilulustay lang ito, dapat managot ang mga responsable,” madalas niyang binibigyang-diin.
Ang patutsada ni Edu Manzano laban kay Martin Romualdez ay nagpapakita ng lumalakas na panawagan mula sa publiko at mga personalidad na papanagutin ang mga opisyal na nasasangkot sa isyu ng katiwalian. Sa gitna ng mga paratang, inaasahan ng taumbayan na ang mga lider ay hindi tatakas kundi haharap sa mga alegasyon para sa kapakanan ng bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento