Advertisement

Responsive Advertisement

ROBIN PADILLA, NAGLABAS NG RESIBO: HINDI SIYA NAG-“DIRTY FINGER” HABANG UMAAWIT NG LUPANG HINIRANG

Biyernes, Setyembre 12, 2025

 



Matapos ang kontrobersiyang kumalat online, naglabas na ng malinaw na ebidensya si Senador Robin Padilla upang patunayan na hindi siya gumawa ng “dirty finger” gesture habang inaawit ang Lupang Hinirang sa sesyon ng Senado noong Setyembre 8.


Ang isyu ay nagsimula matapos kumalat ang isang video na unang inilathala ng Rappler, kung saan inakusahan si Padilla na nagtaas ng gitnang daliri habang inaawit ang pambansang awit. Ngunit agad itong itinanggi ni Padilla, at nagbigay siya ng malinaw na paliwanag tungkol sa kanyang ginawa.


“Ito po ay banal po sa aming mga Muslim, banal po ito. Sapagkat ito po ang ibig sabihin po nito ‘La Ilaha illa wa’, ibig sabihin walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah. Ito po ang pundasyon ng aming pananampalataya,” paliwanag ni Padilla.


Nilinaw ni Padilla na ang kanyang itinaas na daliri ay hindi isang malaswang kilos, kundi isang simbolo ng pananampalatayang Islam na nangangahulugang “Walang ibang Diyos kundi si Allah.”


Dagdag pa niya:

“Hindi po namin pwedeng gawin na gawing kabastusan po ito. Magpapakamatay na lang po ako kung gagawin ko ‘yon.”


Nagpahayag din ng pagkadismaya si Padilla sa ginawa ng Rappler, at hiniling sa mga mamamahayag na huwag idamay ang kanyang relihiyon sa mga maling interpretasyon o akusasyon.


Ang pangyayaring ito ay paalala na dapat nating alamin muna ang buong konteksto bago humusga o magbahagi ng impormasyon. Ang isang maling interpretasyon ay maaaring makasira ng reputasyon, makasakit ng damdamin, at makabuo ng hidwaan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento