Kamakailan, naglabas ng opisyal na paghingi ng paumanhin ang Rappler noong Setyembre 12 kaugnay ng isang kontrobersyal na video na inilathala sa kanilang social media pages. Ang video ay umano’y nagpapakita ng diumano’y malaswang kilos mula kay Robin Padilla habang inaawit ang Lupang Hinirang sa isang sesyon ng Senado noong Setyembre 8.
Ayon sa Rappler, ang naturang video ay naipost nang hindi pa lubusang nabeberipika at may kasamang caption na maling nag-akusang gumawa si Padilla ng malaswang kilos sa gitna ng plenary session.
“We take responsibility for unclear communication in the newsroom that led to the posting of content that was still being verified. The video was immediately taken down,” pahayag ng Rappler sa kanilang opisyal na statement.
Dagdag pa nila, wala silang intensyong sirain o bigyang-dungis ang sinumang sektor o relihiyon, lalo na ang mga kapatid nating Muslim. Nagpahayag din ang ahensya na pinatitibay nila ang kanilang internal processes upang hindi na maulit ang ganitong pagkakamali sa hinaharap.
Ang pangyayaring ito ay nagsilbing paalala kung gaano kalaki ang responsibilidad ng mga media organization sa pagbabahagi ng impormasyon. Isang maling post o hindi nabeberipikang impormasyon ay maaaring makasira hindi lamang ng reputasyon ng isang tao, kundi ng buong komunidad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento