Sa gitna ng kontrobersyal na isyu ukol sa anomalya sa flood control project ng DPWH, muling lumutang ang mga ulat hinggil sa umano’y panawagan mula sa ilang opisyal ng PNP at AFP na magbitiw sa puwesto si House Speaker Martin Romualdez.
“Ako ay naninindigan na walang dapat itago handa akong harapin ang anumang imbestigasyon. Ang pondong para sa bayan, dapat mapunta sa bayan.” -House Speaker Martin Romualdez.
Bagaman walang opisyal na kumpirmasyon mula sa dalawang institusyon, mabilis na naging usap-usapan sa social media ang mga alegasyong ito, lalo na’t kasabay ito ng mga lumalabas na ulat tungkol sa malaking pondong nawawala umano sa flood control project.
Ang mga alegasyon ng korapsyon sa flood control project ay patuloy na nagpapainit sa damdamin ng publiko. Maraming mamamayan ang naniniwalang kung ang pondong ito ay ginamit nang tama, matagal nang naresolba ang mga pagbaha sa ilang probinsya.
Sa gitna ng ingay, muling nabuhay ang mga luma nang isyu tungkol sa umano’y hindi pagkakasundo sa pagitan ng ilang opisyal ng PNP at AFP laban kay Romualdez at ginagamit umano ngayon bilang panawagang siya ay bumaba sa puwesto.
Ayon sa mga netizens, panahon na umano upang magsagawa ng masusing imbestigasyon at managot ang mga sangkot sa isyu ng flood control project. Para sa kanila, hindi na sapat ang mga paliwanag kailangan na ng kongkretong aksyon at hustisya para sa pondong dapat ay para sa bayan.
Ang muling pag-usbong ng umano’y panawagan mula sa PNP at AFP laban kay Martin Romualdez ay patunay kung gaano kalalim ang sugat na iniwan ng isyu sa flood control project. Habang patuloy ang mga tanong at pagdududa ng publiko, mahalagang pairalin ang transparency, integridad, at pananagutan sa pamahalaan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento