Advertisement

Responsive Advertisement

REP. ZALDY CO, NAGBITIW SA PWESTO MATAPOS PAGKAKAITAN NG KARAPATAN: "HINDI AKO BINIBIGYAN NG MAKATARUNGANG PROSESO"

Lunes, Setyembre 29, 2025

 




Isang malaking balita ang yumanig sa mundo ng politika matapos magbitiw sa kanyang puwesto si Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co, isa sa mga pinakatampok na personalidad na nasangkot sa kontrobersyal na flood control project anomalies. Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Zaldy na napilitan siyang mag-resign matapos umanong ma-deny ang kanyang “right to due process” bilang mambabatas.


“Kung ipipilit nilang pabalikin ako habang ako’y nagpapagaling, mas pipiliin ko na lang magbitiw. Ang travel clearance ko ay ibinigay sa akin bilang kongresista, kaya kung hindi na ako kongresista, wala silang karapatang pilitin akong bumalik,” -Zaldy Co


Matapos ang sunud-sunod na batikos at imbestigasyon laban sa kanya, nagpasyang bumaba sa puwesto si Zaldy upang, aniya, hindi na lalong madamay ang institusyong kanyang kinakatawan. Isa sa mga nagtulak sa kanya na magbitiw ay ang pagkakansela ng kanyang travel permit at ang pag-utos ni Speaker Bodjie Dy na siya’y bumalik agad sa Pilipinas, kahit na siya ay nasa ibang bansa para sa gamutan.


“Ako’y nagdesisyon na magbitiw dahil hindi na ako nabibigyan ng tamang karapatan sa ilalim ng batas. Ang aking karapatan sa due process ay tinanggal, kaya’t mas makabubuti na ako ay bumaba na lamang,” pahayag ni Zaldy.


Ayon sa ilang ulat, matagal nang nasa labas ng bansa si Zaldy upang sumailalim sa medical treatment, ngunit binawi ng bagong House Speaker ang kanyang travel clearance, isang hakbang na itinuring niyang paglabag sa kanyang mga karapatan bilang opisyal ng gobyerno


Bago ang kanyang pagbibitiw, si Zaldy ay nagsilbing Chairperson ng House Committee on Appropriations, isa sa pinakamakapangyarihang komite sa Kongreso na may kontrol sa pambansang budget. Ngunit matapos pumutok ang mga alegasyon ng katiwalian sa mga flood control projects kung saan umano’y bilyun-bilyong piso ang nawala, napilitan siyang umatras mula sa kanyang posisyon.


Ang naging mitsa ng pagbibitiw ni Zaldy ay ang pagkansela ng kanyang travel clearance ng bagong House Speaker Bodjie Dy. Sa kautusan ni Dy, inatasan siyang bumalik agad sa bansa bagay na tinutulan ng kampo ni Zaldy dahil ito umano ay labag sa kanyang karapatan sa due process.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento