Advertisement

Responsive Advertisement

"MAY ISANG TAO SA LIKOD NG LAHAT NG ITO!” – SENATOR CHIZ ESCUDERO, PINANGALANAN SI MARTIN ROMUALDEZ BILANG MASTERMIND

Lunes, Setyembre 29, 2025

 



Sa gitna ng patuloy na pag-usig ng publiko sa mga anomalya sa mga flood control projects ng gobyerno, isang matapang na akusasyon ang binitawan ni Senador Francis “Chiz” Escudero laban kay Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez. Ayon kay Escudero, si Romualdez umano ang nasa likod ng isang “political sarswela” na layuning ilihis ang galit ng publiko at ilayo ang usapan sa mga mambabatas na totoong sangkot sa katiwalian.


Sa kanyang privilege speech nitong Lunes, binigyang-diin ni Chiz na tila sinasadya ang pagkakasangkot ng ilang senador sa flood control scam kahit walang malinaw na ebidensya laban sa kanila.


“Sa mga nakaraang linggo, malinaw na nililihis ang galit ng taumbayan tungkol sa mga ‘ghost’ at substandard flood control projects mula sa mga totoong may kasalanan, patungo sa Senado at sa ilang mga miyembro nito,” ani Chiz.


Dagdag pa niya, ginagawang “panakip-butas” ang mga senador upang mabaling ang sisi palayo sa Kamara kung saan umano nakaugat ang mga anomalya.


“Tila pilit na ginagawang panakip butas, ika nga, at fall guy, at dibersyon ang mga senador, palayo sa Kamara at sa mga tunay na may sala,” dagdag pa ng senador.


Ayon pa kay Escudero, may malinaw na “script” ang nangyayaring imbestigasyon: ang ipitín ang tatlong dating DPWH officials at pilitin silang magbigay ng mga pangalan ng senador kahit hindi ito direktang sangkot. Layon umano nitong protektahan ang mga kongresistang siyang tunay na nakinabang sa bilyon-bilyong halaga ng flood control projects.


“Klarong-klaro po ang script nito: Ipitin ang tatlong dating DPWH officials, pakantahin sa kanila, mema-mabanggit lang na senador habang pinagtatakpan ang mga congressman na tunay na kasabwat nila sa mga lugar na ginagalawan nila,” wika ni Chiz.


Ang mga pahayag ni Senador Escudero ay muling nagpaalab sa usapin ng pananagutan at transparency sa gobyerno. Sa kanyang paglalantad ng diumano’y “script” ni Romualdez, muling nabigyan ng boses ang panawagan ng taumbayan: ang katotohanan ay hindi dapat pagtakpan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento