Advertisement

Responsive Advertisement

RALPH TULFO, NILINAW ANG ISYU SA VIRAL ₱6.7M BILL SA LAS VEGAS: “WALANG PONDO NG BAYAN ANG GINAMIT DIYAN”

Lunes, Setyembre 29, 2025

 



Nagbigay ng opisyal na pahayag si Quezon City 2nd District Representative at Assistant Majority Leader Ralph Wendel Tulfo matapos muling umani ng batikos online ang isang viral video kung saan makikitang nagbabayad siya ng halos ₱6.7 milyon sa isang nightclub sa Las Vegas noong Disyembre 2023. Ayon sa kongresista, personal na biyahe ang nasabing okasyon at hindi kailanman ginamit ang pondo ng gobyerno o pera ng taumbayan.


“Alam kong marami ang nadismaya sa nakita nilang video, ngunit nais kong ipaalam sa lahat na ito ay isang personal trip wala pong pera ng gobyerno o buwis ng taumbayan na ginamit. Katulad ng iba, may karapatan din akong gumastos ng sarili kong pera, basta’t ito ay tapat at malinis. Nauunawaan ko ang inyong mga sentimyento, at patuloy kong igagalang ang tiwalang ibinigay ninyo sa akin.” -Ralph


Muling umingay ang video ni Ralph matapos itong kumalat sa social media sa gitna ng maiinit na isyu ng korapsyon na kinasasangkutan ng ilang opisyal ng gobyerno. Sa naturang video, makikitang nagtatampisaw sa kasiyahan si Tulfo at ang kanyang mga kasama sa Omnia, isang high-end multi-level nightclub sa Caesars Palace, habang tumutungga ng alak mula sa napakalaking bote.


Makikita rin sa video ang mismong sandali ng kanyang pagbabayad ng bill gamit ang credit card, dalawang resibo ang binayaran:


USD 42,605 o halos ₱2,473,953.95

USD 73,951.64 o humigit-kumulang ₱4,294,166.22


Sa kabuuan, umabot sa ₱6,768,120.17 ang kanilang nagastos sa isang gabi ng selebrasyon. Ayon kay Ralph, Instagram Stories pa mismo niya ang nagbahagi noon ng mga clips ng naturang gabi, bagay na ngayon ay naging dahilan ng kritisismo mula sa publiko.


Matapos lumobo ang batikos online, naglabas ng opisyal na pahayag si Tulfo noong Setyembre 27, 2025 sa programang Agenda. Dito ay ipinaliwanag niya ang konteksto ng video at nilinaw ang mga maling haka-haka tungkol dito.


“Sa panahong mahigpit ang pagbabantay ng publiko sa paggamit ng kanilang buwis, nais ko lamang pong linawin na ito ay isang personal trip, at wala kaming ginamit na pondo ng gobyerno at pera ng taumbayan,” ani Ralph.


Dagdag pa niya, hindi siya nag-iisa sa pagbabayad ng malaking bill dahil naghati-hati sila ng kanyang mga kasama sa gastos, at credit card lamang niya ang ginamit sa pagbabayad kaya lumabas na tila siya ang nag-shoulder ng lahat.


“Hindi po ako nag-isa sa gastusin. Ako lang po ang gumamit ng card kaya pangalan ko ang nasa resibo. Pero hati-hati po kami doon, at muli kong inuulit, wala pong kinalaman ang pera ng gobyerno dito,” paglilinaw ng kongresista.



Ang viral na ₱6.7 milyon na bill ni Ralph Tulfo sa Las Vegas ay muling nagpaalala ng matinding pagsubok na kinahaharap ng mga opisyal ng gobyerno pagdating sa pananaw ng publiko. Sa panahon kung saan mataas ang antas ng pagdududa sa mga mambabatas, anumang kilos kahit personal ay maaaring magmukhang kontrobersyal.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento