Sa isang mataong arcade, araw-araw ay dumaraan ang mga tao upang maglaro at magsaya. Ngunit sa kabilang kalsada, may isang asong gala na si Lela na tila may kakaibang layunin. Araw-araw, pumupunta si Lela sa harap ng isang claw machine at matamang nakatingin sa isang laruang berdeng Triceratops sa loob nito.
Ipinipikit niya ang mga mata habang idinidikit ang kanyang mga paa sa salamin, tila ba sinasabing: “Sana maging akin ka.” Ngunit palaging siya pinapaali ng mga staffdahil bawal siyang manatili sa loob.
Hanggang isang araw, napansin siya ng isang empleyado ng arcade. Sa halip na itaboy, naantig ang kanyang puso. Sinubukan niyang hulihin ang laruan — at sa ika-apat na pagkakataon, nanalo siya. Dahan-dahan niya itong iniabot sa aso bago pa ito makatakbo.
Mula noon, nakikita na ang aso gabi-gabi, mahimbing na natutulog sa gilid ng arcade, yakap-yakap ang bagong kaibigan ang berdeng laroan.
Ang simpleng laruan na iyon ay tila maliit lamang para sa karamihan, ngunit para kay Lela, ito ang naging kauna-unahang bagay na kanya talaga. Sa dami ng araw na siya ay nag-iisa, sa wakas ay may kasama na siyang nagbibigay ng kaunting ginhawa at saya.
Ang kabutihang-loob ng empleyado ay nagbigay hindi lamang ng laruan, kundi ng pag-asa at pakiramdam ng pagmamahal, isang bagay na matagal nang hindi naramdaman ng kawawang aso.
Maraming asong gala ang araw-araw na nakikipagsapalaran para lang mabuhay. Walang tirahan, walang pagkain, at madalas ay wala ring nakakalinga. Ang kwentong ito ay paalala na hindi natin kailangang maging mayaman para tumulong minsan, isang maliit na bagay lang ang kailangan para maramdaman ng isang nilalang na sila ay mahalaga rin.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento