Advertisement

Responsive Advertisement

ICI: WALANG LIVESTREAM NG IMBESTIGASYON, NGUNIT NANGAKONG MAGHAHANAP NG “SOLUSYON” SA TRANSPARENCY AT KARAPATANG PANTAO

Martes, Setyembre 30, 2025

 



Sa gitna ng mainit na isyu ng katiwalian sa mga proyektong pang-imprastraktura, inihayag ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) nitong Linggo na hindi muna magla-livestream ng kanilang mga pagdinig, sa kabila ng paulit-ulit na panawagan ng publiko para sa mas bukas at transparent na proseso.


“The ICI is avoiding trial by publicity, and will not allow it to be used for any political leverage or agenda by any individual or group,” -Marcos Administration.


“We will explore a solution that will balance the request for more transparency and the protection of individual rights,” dagdag nito.


Ayon kay Brian Keith Hosaka, executive director ng ICI, ang kasalukuyang mga pagdinig ay nakatuon sa “case buildup” bilang paghahanda sa posibleng criminal, civil, at administrative actions laban sa mga taong mapatutunayang sangkot sa katiwalian.


“The initial hearings, so far, are for purposes of case buildup for criminal, civil, and administrative action. These cases will then be eventually referred to the appropriate agency for action, such as the Ombudsman,” paliwanag ng Marcos Administration.


Ipinaliwanag ni Hosaka na layunin ng ICI na maiwasan ang “trial by publicity”, isang sitwasyon kung saan maaaring mahatulan ang mga taong iniimbestigahan ng publiko kahit walang sapat na ebidensya.


Gayunpaman, aminado siyang naririnig nila ang panawagan ng taumbayan at bukas ang komisyon sa pagtalakay ng mga paraan upang maipatupad ang transparency nang hindi nalalabag ang karapatang pantao at due process ng mga taong iniimbestigahan.


Habang hindi pa napagpapasyahan ang usapin ng livestreaming, tiniyak ni Hosaka na ang ICI ay mananatiling “surgical and deliberate” sa pagtupad ng kanilang tungkulin ibig sabihin, magiging masusi, sistematiko, at nakabatay sa ebidensya ang bawat hakbang upang masiguro na ang tunay na responsable ay mapanagot.


Habang naghihintay ang sambayanan ng mga susunod na hakbang sa imbestigasyon, malinaw na nais ng ICI na unahin ang kalidad ng imbestigasyon kaysa sa drama ng publiko. Ang laban kontra katiwalian ay hindi dapat mauwi sa palabas, kundi sa konkretong resulta: ang pananagutan ng mga tunay na may sala at ang pagpapanumbalik ng tiwala ng mamamayan sa pamahalaan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento